Gov. Reyes, inalala ng kanyang mga kaibigan at kababayan

BOAC, Marinduque – Sa pagpanaw ng itinuturing na nanay ng Marinduque na si Gov. Carmencita Ongsiako-Reyes nitong Lunes ng umaga, Enero 7, dahil sa ‘stomach aneurysm’, bumuhos sa social media ang pakikiramay ng ilang kilalang personalidad kagaya nina Sen. Sonny Angara, Sen. Nancy Binay, Cong. Lord Allan Jay Velasco, Billy Andal at iba pa. Nagpaabot din ng pakikiramay ang mga Marinduqueno na lubos na nagdadalamhati sa biglaang pagkawala ni Reyes na kinikilalang ‘longest serving leader’ sa probinsya.