State of calamity idineklara sa 4 na barangay sa Boac, Marinduque

BOAC, Marinduque – Isinailalim sa state of calamity ang apat na barangay sa bayan ng Boac sa lalawigan ng Marinduque dahil sa sunog na sumiklab sa lugar nitong Hulyo 2, 2018. Ayon sa resolusyon na may titulong ‘Resolution Declaring Certain Portions of the Boac Poblacion Barangays Namely, Malusak, Mercado, Murallon and San Miguel Under the State of Calamity Brought About by the Fire Incident on July 2, 2018‘, na ipinasa sa ‘special session’ ng Sanguniang Bayan ng Boac ngayong umaga, Hulyo 5, ang kanilang pagdedeklara ng state of calamity sa…

P25-M halaga ng ari-arian, natupok sa sunog sa Boac

BOAC, Marinduque – Tinatayang aabot sa 25 milyong halaga ng ari-arian ang napinsala sa sumiklab na sunog sa bayan ng Boac, Marinduque nitong Lunes, Hulyo 2. Sa panayam ng Marinduque News kay Superintendent Maria Victoria Padua-Brual, provincial fire marshal ng Bureau of Fire Protection-Marinduque, natanggap nila ang ulat tungkol sa sunog pasado alas-5:30 ng madaling araw.  Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog at bandang alas-11:20 ng umaga nang idineklarang fire out ang lugar. Labingpitong ‘business establishments’ ang natupok kabilang ang walong ancestral houses. Inaalam pa ang sanhi ng pinagmulan…

Listahan ng mga apektadong establisyemento sanhi ng sunog sa Boac

Narito ang ‘unofficial’ na talaan ng mga commercial establishment at kabahayan (in alphabetical order) na naapektuhan ng sumiklab na sunog kaninang umaga, Hulyo 2 sa bayan ng Boac, Marinduque: Aliño’s Store Apostol Rice Dealer Outlet Beabianca’s Printing Press and General Merchandise Chuwing Panciteria Dr. Modesto Santos (former pharmacy) Fujifilm GSat IRM Church Lim New Building Maharlikang Tahanan ni Pedro Lardizabal (Don Perroco) former site of Lighthouse Maritime School Meling (Deogracias) Lim House Recalde’s Residence Roque-Enriquez House Rowena’s Beauty Parlor Sisi Mirafuente House St. Rose of Lima Clinic Ven Mar School Supplies…

Kabahayan at mga gusali sa Boac, nasunog

BOAC, Marinduque – Tinupok ng apoy ang ilang kabahayan at gusali sa mga Barangay Malusak, Mercado at Murallon na itinuturing na sentro ng komersyo sa bayan ng Boac, Marinduque. Base sa ilang mga nakasaksi, nagsimula ang sunog bandang alas 5:30 ng umaga, Hulyo 2. Ayon kay Col. Vicky Padua-Brual, Provincial Fire Marshall, BFP-Marinduque, umabot ang sunog sa ika-apat na alarma. Wala pang naitatalang impormasyon patungkol sa bilang ng mga establisyemento na naapektuhan ng sunog. Patuloy ang operasyon ng bombero sa nasabing lugar. This is a developing story. Please refresh for updates. –Marinduquenews.com

Problema sa mga ‘door-to-door van’ sa Marinduque, aaksyunan

TORRIJOS, Marinduque – Kamakailan ay nakipagpulong si Marinduque Lone District Representative Lord Allan Jay Velasco kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III. Sentro ng pagpupulong ang problema sa mga sasakyang door-to-door na may rutang Marinduque-Manila at vice versa. Ayon kay Velasco, “Many issues were tackled during the meeting, including passenger safety and convenience, transportation modernization and allowable routes for public utility vehicles (PUVs)”. Napagkasunduan nina Velasco at Delgra ang pagsasagawa ng ‘Transportation Summit’ kasama ang iba’t ibang kinatawan ng transportasyon sa probinsya upang agarang masolusyunan…