Marinduqueno, kinilala bilang Ulirang Ama

BOAC, Marinduque – Isa ang Marinduqueño na si Atty. Restituto Opis, tubong Boac sa dalawampu’t limang mga haligi ng tahanan na binigyan ng parangal ng Ulirang Ina Ama Awards Foundation, Inc. Kinilala ang kontribusyon ni Opis sa larangan ng batas at hudikatura. Ayon sa UIAAFI, “Atty. Opis is a pillar of strength, support and discipline. Single handedly, he was able to send his children to school who are now all accomplished professionals, government officials and business persons in their own plight. He is a champion of the poor and the…

Gumuhong tulay at ‘di matapos-tapos na irrigation system sa Boac, sisiyasatin

BOAC, Marinduque – Tatalakayin sa Investigative Documentaries ng beteranong journalist na si Malou Mangahas ang gumuhong tulay sa barangay Bayuti, bayan ng Boac. Ginawa ang tulay na ito noong Marso 2017 para magamit ng mga tao sa tuwing lumilikas kapag malakas ang ulan. Ang problema, gumuho ang tulay limang araw matapos itong buhusan ng semento. 67 metro ang haba nito at pinondohan ng P2 milyon. Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Marinduque District Engineering Office ang nagpatupad ng proyekto. Ano kaya ang nangyari at bumigay ang tulay? Samantala,…

Hepe ng Santa Cruz Police, sibak sa pwesto

SANTA CRUZ, Marinduque – Sinibak sa pwesto ang hepe ng pulis sa bayan ng Santa Cruz, Marinduque dahil sa mababang performance sa ‘anti-illegal drug operations’ ng Philippine National Police. Ang relief order na inaprubahan ni Mimaropa Regional Director, Police Chief Supt. Emmanuel Luis Licup galing sa Oversight Committee on Illegal Drugs ay epektibo simula pa nitong Lunes, Hunyo 11. Base sa report ng Regional Directors Committee on Illegal Drugs (RDCID), kabilang ang hepe ng Santa Cruz sa 24 na hepe sa buong Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) na mahina o…

Cong. Allan Velasco at misis nito, magkaka-baby na

Buntis na ang misis ni Marinduque Lone District Representative Lord Allan Jay Velasco na si Rowena Kristina Amara. Ito ang inanunsyo ni Velasco sa kaniyang Facebook account, kung saan ay nagpost ito ng larawang nagpapakita na positibo sa pregnancy test ang misis nito na may caption, “We are trully blessed! Thank you Lord Jesus, indeed prayers have been answered. To God be all the glory!” Agad namang binaha ng pagbati mula sa mga kaibigan at kakilala sina Wen at Allan. Matatandaan na taong 2012 nang ikinasal ang dalawa sa Diamond…

Kinatawan ng Marinduque, todo handa na para sa Mr. Grand Philippines

Naghahanda na sa pagsabak sa Mister Grand Philippines 2018 ang 22 anyos at tubong Libtangin, Gasan, Marinduque na si Mark Jero Bagaporo. Ibayo ang preparasyon na ginagawa ni Mark partikular ang pagbababad sa gym at pagsasanay sa pagsasalita sa harap ng publiko. Taong 2012 ng magsimulang sumali sa mga kahalintulad na patimpalak si Mark. Ilan sa kanyang mga nakamit na titulo ay ang Ginoong Gasan Turismo 2012, Mr. Marinduque State College Olympics 2016 at Mr. Strassuc 2nd Runner up 2016. Tinanghal din siyang 2nd Runner up sa Ginoong Mimaropa 2017…