Pawikan na-rescue sa bayan ng Boac

BOAC, Marinduque – Isang babaeng ‘green sea turtle’ (Chelonia mydas) o mas kilala sa lokal na katawagang pawikan ang matagumpay na naibalik sa karagatan. Ayon kay Dr. Josue Victoria, Marinduque provincial veterinary, nagambala sa pangingitlog ang pawikan nang hindi sinasadyang makita ng ilang mangingisdang papalaot habang ito ay nangingitlog sa baybaying sakop ng barangay Cawit sa bayan ng Boac ganap na ika-1:35 ng madaling araw nitong Miyerkules, Abril 25. #MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera Ipinagbigay alam ng nakakita kay Eddie Mar Laylay,…

PICE conducts Regional Technical Conference in Marinduque

BOAC, Marinduque – Watch the short account of the three-day conference narrated by Engr. Aurelio “Jojo” Leva, PICE Marinduque Chapter and Overall Lead Support of the 19th Philippine Institute of Civil Engineers (PICE) Regions IV-A & IV-B Technical Conference held in Balar Events Place, Barangay Balaring, Boac, Marinduque on March 22-24, 2018 with the theme: Civil Engineers in the Build, Build, Build, Environment. #MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera Photo courtesy of Toby Jamilla, PICE Marinduque Chapter. –Marinduquenews.com

Miss Gay pageant, nakatakdang isagawa sa Marinduque

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon ng gay beauty pageant sa buong lalawigan na tatawaging “Queen of Marinduque” ngayong darating na Mayo 24, 2018. Ang pageant ay pagpapakita ng suporta ng pamahalaang panlalawigan sa Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender (LGBT) Community na may layuning turuan at itaguyod ang paggalang at pagkilala sa lahat ng uri ng kasarian sa lipunan. Ayon kay Mark Cezar Ola, media relation officer ng Queen of Marinduque 2018, “Sa pamamagitan ng gawaing ito ay maipakikita ang ganda, talino at husay ng ating mga kababayan na kabilang sa…

Ms. Earth 2017 at iba pang beauty queens, bibisita sa Marinduque

SANTA CRUZ, Marinduque – Nakatakdang bumisita sa Marinduque si Ms. Earth 2017 Karen Ibasco, kasama ang iba pang reigning beauty queens ng Ms. Earth ngayong Abril 17 at 22, 2018. Sa Martes, Abril 17, ganap na ika-6:00 ng umaga ay magkakaroon ng ground breaking ceremony ng Conservation of Ocean Resources and Aquatic Life (CORAL) sa Maniwaya Island, Santa Cruz. Pagkatapos, ito ay susundan ng motorcade parade sa town plaza ng naturang bayan. Makakasama ni Ibasco sina Ms. Philippines Eco Tourism Vanessa Castillo at Ms. Philippines Fire 2017  Nelza Bautista. #MakeADifference: Kabayan,…

Bokal Aguirre, nilinaw ang isyu sa pagitan nila ni Mayor Red

SANTA CRUZ, Marinduque – Nilinaw ni 2nd District Board Member Amelia Aguirre ang mga paratang ng isang fake blogsite tungkol sa isyu nila ni Santa Cruz Mayor Marissa Red na may kaugnayan din sa pagde-develop ng Santa Cruz Public Market. Ayon sa pahayag ni Aguirre, “Ilang araw po bago ang Semana Santa, isang Facebook Account, Balitang Marinduque na may website na balitangmarinduque.com, ang nagpost ng pictures namin ni Mayor Marissa Red at pinapalabas na tila kami ay nag-aaway. Pinapalabas na ako’y nagbitiw ng hindi magandang mga salita laban kay Mayor…