Miss Gay pageant, nakatakdang isagawa sa Marinduque

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon ng gay beauty pageant sa buong lalawigan na tatawaging “Queen of Marinduque” ngayong darating na Mayo 24, 2018. Ang pageant ay pagpapakita ng suporta ng pamahalaang panlalawigan sa Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender (LGBT) Community na may layuning turuan at itaguyod ang paggalang at pagkilala sa lahat ng uri ng kasarian sa lipunan. Ayon kay Mark Cezar Ola, media relation officer ng Queen of Marinduque 2018, “Sa pamamagitan ng gawaing ito ay maipakikita ang ganda, talino at husay ng ating mga kababayan na kabilang sa…

Ms. Earth 2017 at iba pang beauty queens, bibisita sa Marinduque

SANTA CRUZ, Marinduque – Nakatakdang bumisita sa Marinduque si Ms. Earth 2017 Karen Ibasco, kasama ang iba pang reigning beauty queens ng Ms. Earth ngayong Abril 17 at 22, 2018. Sa Martes, Abril 17, ganap na ika-6:00 ng umaga ay magkakaroon ng ground breaking ceremony ng Conservation of Ocean Resources and Aquatic Life (CORAL) sa Maniwaya Island, Santa Cruz. Pagkatapos, ito ay susundan ng motorcade parade sa town plaza ng naturang bayan. Makakasama ni Ibasco sina Ms. Philippines Eco Tourism Vanessa Castillo at Ms. Philippines Fire 2017  Nelza Bautista. #MakeADifference: Kabayan,…

Bokal Aguirre, nilinaw ang isyu sa pagitan nila ni Mayor Red

SANTA CRUZ, Marinduque – Nilinaw ni 2nd District Board Member Amelia Aguirre ang mga paratang ng isang fake blogsite tungkol sa isyu nila ni Santa Cruz Mayor Marissa Red na may kaugnayan din sa pagde-develop ng Santa Cruz Public Market. Ayon sa pahayag ni Aguirre, “Ilang araw po bago ang Semana Santa, isang Facebook Account, Balitang Marinduque na may website na balitangmarinduque.com, ang nagpost ng pictures namin ni Mayor Marissa Red at pinapalabas na tila kami ay nag-aaway. Pinapalabas na ako’y nagbitiw ng hindi magandang mga salita laban kay Mayor…

Indonesian survey vessel nasa Marinduque ngayon

BOAC, Marinduque – Nasa Marinduque ngayon ang isang Indonesian Oceanographic Research Survey Vessel na kinontrata ng Philippine Long Distance Telecommunications (PLDT) upang magsagawa ng marine survey sa posibleng paglalagay ng ‘submarine fiber optic cable’ para mas lalo pang mapaganda ang ‘telecommunication infrastructure sa buong probinsya. #MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera Ayon sa Facebook post ni Luna Manrique, Boac Municipal Planning and Development Officer, “This project was initiated by our kababayan, PLDT Vice President Arvin Siena and not by any political leader in…