Listahan ng mga apektadong establisyemento sanhi ng sunog sa Boac

Narito ang ‘unofficial’ na talaan ng mga commercial establishment at kabahayan (in alphabetical order) na naapektuhan ng sumiklab na sunog kaninang umaga, Hulyo 2 sa bayan ng Boac, Marinduque: Aliño’s Store Apostol Rice Dealer Outlet Beabianca’s Printing Press and General Merchandise Chuwing Panciteria Dr. Modesto Santos (former pharmacy) Fujifilm GSat IRM Church Lim New Building Maharlikang Tahanan ni Pedro Lardizabal (Don Perroco) former site of Lighthouse Maritime School Meling (Deogracias) Lim House Recalde’s Residence Roque-Enriquez House Rowena’s Beauty Parlor Sisi Mirafuente House St. Rose of Lima Clinic Ven Mar School Supplies…

Kabahayan at mga gusali sa Boac, nasunog

BOAC, Marinduque – Tinupok ng apoy ang ilang kabahayan at gusali sa mga Barangay Malusak, Mercado at Murallon na itinuturing na sentro ng komersyo sa bayan ng Boac, Marinduque. Base sa ilang mga nakasaksi, nagsimula ang sunog bandang alas 5:30 ng umaga, Hulyo 2. Ayon kay Col. Vicky Padua-Brual, Provincial Fire Marshall, BFP-Marinduque, umabot ang sunog sa ika-apat na alarma. Wala pang naitatalang impormasyon patungkol sa bilang ng mga establisyemento na naapektuhan ng sunog. Patuloy ang operasyon ng bombero sa nasabing lugar. This is a developing story. Please refresh for updates. –Marinduquenews.com

Problema sa mga ‘door-to-door van’ sa Marinduque, aaksyunan

TORRIJOS, Marinduque – Kamakailan ay nakipagpulong si Marinduque Lone District Representative Lord Allan Jay Velasco kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III. Sentro ng pagpupulong ang problema sa mga sasakyang door-to-door na may rutang Marinduque-Manila at vice versa. Ayon kay Velasco, “Many issues were tackled during the meeting, including passenger safety and convenience, transportation modernization and allowable routes for public utility vehicles (PUVs)”. Napagkasunduan nina Velasco at Delgra ang pagsasagawa ng ‘Transportation Summit’ kasama ang iba’t ibang kinatawan ng transportasyon sa probinsya upang agarang masolusyunan…

Swedish ambassador bumisita sa Marinduque

BOAC, Marinduque – Dumating nitong Biyernes, Hunyo 22 sa probinsya ng Marinduque si Swedish Ambassador-designate to the Philippines Harald Fries kasama ang kanyang pamilya. Malugod at masayang tinanggap si Fries ng Agrea Farm Estate sa pangunguna ng kanilang founding farmer na si Cherrie Atilano kasama si Marinduque Lone District Representative Lord Allan Jay Velasco. Ang Agrea ay isang social enterprise na nakabase sa Marinduque na may layuning tulungang maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa. Inaasahang bibisitahin din ng ambassador ang magagandang lugar-pasyalan gayundin ang…

Marinduqueno, kinilala bilang Ulirang Ama

BOAC, Marinduque – Isa ang Marinduqueño na si Atty. Restituto Opis, tubong Boac sa dalawampu’t limang mga haligi ng tahanan na binigyan ng parangal ng Ulirang Ina Ama Awards Foundation, Inc. Kinilala ang kontribusyon ni Opis sa larangan ng batas at hudikatura. Ayon sa UIAAFI, “Atty. Opis is a pillar of strength, support and discipline. Single handedly, he was able to send his children to school who are now all accomplished professionals, government officials and business persons in their own plight. He is a champion of the poor and the…