DOT, naglaan ng kalahating milyon para sa farm tourism ng Marinduque

Naglaan ang Department of Tourism (DOT) ng P570,000.00 para sa farm tourism ng Marinduque. Ito ay matapos aprubahan ng ahensya ang aplikasyon ng Dream Favor Travel and Tours, isang accredited travel agency  sa Marinduque at Agrea Agricultural Communities International, isang social enterprise na nakabase sa lalawigan, ang hiling ng mga ito na magsagawa ng seminar ang DOT upang mapaunlad at mapalawak ang kaisipan ng mga mamamayan sa industriya ng turismo. Ang seminar ay isasagawa sa darating na Disyembre 13-15 sa barangay Bunganay, Boac, Marinduque. Read also: Program on accelerating farm school…

Talumpati ni Duterte sa kaarawan ni Velasco

Dumalo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kaarawan ni Marinduque Lone District Representative Lord Allan Velasco na isinagawa nitong Nobyembre 23, 2017 sa Malago Clubhouse, PSG Compound, Malacanang Palace, Manila. Kasabay nito ay nanumpa rin si Velasco bilang bagong miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) kung saan si Duterte ang tumatayong chairman nito. Narito ang kabuuan ng talumpati ni Pres. Duterte. “Alam mo, kaka-landing ko lang. Eh kung mag-uwi pa ako ng bahay, malapit lang nga pero I have to wash. And ‘pag nandoon na ako, medyo matagalan.…