4 na lola sa Marinduque, tumanggap ng cash incentive

Binisita ni Gov. Carmencita Reyes ang mga centenarian o mga lolo at lola na umabot na sa isandaang taong gulang upang personal na ibigay sa mga ito ang karagdagang cash incentive mula sa pamahalaan. Ang mga lola na nabiyayaan ng cash grant ay sina Rufina Mandalihan mula sa Mataas na Bayan ng Mogpog, Florentina Pedival ng barangay Baliis at Felicidad Pedrialva ng Bagong Silang, Santa Cruz gayundin si Ines Coloma mula naman sa barangay Poblacion, Torrijos. Ayon sa panayam ng Marinduque News kay Alicia Tobilla, apo at tagapag-alaga ni Lola…

Marinduque News Facebook Page, beripikado na

Matapos ang lagpas isang taong paghihintay, kinumpirma na ng Facebook ngayong araw, Agosto 11, bilang isang lehitimo at ‘authentic’ ang Facebook Page ng Marinduque News. Ayon sa Facebook, kapag ang isang social media account o page ay ‘verified’, nagdaragdag ito ng kredibilidad at pagpapatunay na hindi peke ang nasabing account. Base naman sa website ng Awesomely Techie “Verified profiles on social media is an increasingly big deal because they add an stamp of approval and credibility to the accounts of notable people and organization”. “To have the blue or gray…

4Ps beneficiaries sa bayan ng Santa Cruz, tumanggap ng P14-M cash grant

Nagtipun-tipon ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Multipurpose Hall, bayan ng Santa Cruz, Marinduque kamakailan. Ito ay matapos magpalabas ng mahigit P14 milyon na conditional cash grant ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa 55 barangay ng nasabing bayan. Sa tulong ng Marinduque Social Action Multipurpose Cooperative (MASAMCO) na nagsisilbing isa sa mga kabahagi ng Landbank of the Philippines (LBP), kabuuang P14,218,300.00 ang ipinamahagi sa panahon ng payout; P9,031,800.00 mula sa unang payout ng taong 2017 (Pebrero-Marso) at P5,186,500.00 mula sa ikalawang payout…

Tula ng batang Marinduqueno para kay Pres. Duterte viral sa social media

Marami ang natuwa at humangang netizen sa viral na video ng isang munting bata kung saan makikita at maririnig na inaalayan nito ng madamdaming tula ng pasasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte habang nakasukbit sa tagiliran nito ang isang mahabang itak. Ang bata na tinaguriang munting makata ng bayan ay si Jay Alexis Fabrero, magwawalong taong gulang sa darating na Agosto 6 ay bunso sa pitong magkakapatid, isinilang at kasalukuyang naninirahan sa sitio Apartahan, barangay Tigwi, bayan ng Torrijos, Marinduque. Kwento ng kapatid ni Alexis na si Sheryl sa Marinduque News,…

Boac BFP, tinanghal na Best Municipal Fire Station of the Year

Tinanghal na Best Municipal Fire Station of the Year ang Boac Municipal Fire Station ng lalawigan ng Marinduque sa katatapos lamang na ika-26 na Anibersaryo ng Bureau of Fire Protection (BFP) na ginanap sa AFP Theatre, Camp Aguinaldo, Quezon City nitong Miyerkules, Agosto 2. Mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nag-abot ng parangal na tinanggap naman ni Boac Municipal Fire Marshall Felix Echavaria, Jr. Ang aktibong pakikibahagi sa mga aktibidad ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, mahigpit na koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan, maayos na pamamahala sa mga…