Gob. Reyes, nagdiwang ng kanyang ika-88 na kaarawan

Isang sorpresa ang inihandog ng mga kawani ng Marinduque Provincial Capitol kay Gob. Carmencita Reyes na nagdiwang ng kanyang ika-88 na taong kaarawan nitong Nobyembre 9. Hindi naitago ng gobernadora ang lubos na kasiyahan ng salubungin ito ng provincial choir na nagmistulang 18th birthday ng isang debutante ang selebrasyon. Isinayaw si Reyes ni Provincial Administrator Baron Jose Lagran at ng ilang miyembro ng sangguniang panlalawigan kasama rin ang department heads ng iba’t-ibang opisina ng kapitolyo. Inawitan dinng mga kapulisan ang gobernadora ng kanyang paboritong kanta na pinangunahan ni Police Superintendent…

Velasco, Mata Partylist, IBP Marinduque magsasagawa ng benefit concert

Magsasagawa ng joint fundraising project sa pamamagitan ng benefit dinner and dance concert ang Integrated Bar of the Philipines (IBP)-Marinduque Chapter, Ang Mata’y Alagaan Partylist at Lalawigan Aasenso kay Velasco (LAV) na may temang ‘Helping People, Changing Lives’ ngayong Nobyembre 10, 2017, ika-7:00 ng gabi sa Blue Leaf Cosmopolitan, Libis, Quezon City. Kabilang sa mga magtatanghal ay ang Manila Philharmonic Orchestra (MPO) at Las Bonitas. Kasama rin ang mang-aawit na sina Philippine Baritone Joseleo Logdat, The Voice Kids Season 3 Contender Ragen Angel Penaflor at iba pa. Ang kikitain ng…

Archbishop Ricardo Cardinal Vidal, pumanaw na

Pumanaw na si Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal ngayong Miyerkules ng umaga, Oktubre 18, sa edad na 86, isang linggo matapos na isugod ito sa ospital sanhi ng hindi pagbaba ng lagnat nito, hirap huminga at pagkatapos ay nacomatose ito. Ayon kay Dr. Rene Joseph Bullecer, isa sa mga doktor at pinakamalapit na kaibigan ni Vidal, nakatanggap ito ng tawag bandang alas-7:00 ng umaga na ang kardinal ay kailangang i-revive dahil ang presyon ng dugo nito ay bumaba. Ang kardinal ay nalagutan ng hininga makalipas ang ilang minuto. Sinabi rin ni…

Baybayin, magsasagawa ng ugnayan sa pananaliksik sa Marinduque

Nakatakdang isagawa ng Baybayin, isang open access na peer-reviewed journal at tawag sa sinaunang paraan ng pagsulat ng mga ninuno, Oktubre 12-14 sa Provincial Tourism and Agriculture Development Center, Tamayo, Santa Cruz, Marinduque ang 1st Baybayin Conference on Southern Tagalog na may paksang “Ugnayan ng mga Adyenda sa Pananaliksik ng mga SUC at HEI sa Calabarzon at Mimaropa.” Layunin ng kumperensya na palakasin at paramihin ang mga mananaliksik sa rehiyon ng Southern Tagalog. Sinabi ni Dr. Randy Nobleza, conference convener, “Sa puso ng kapuluan idaraos ang kauna-unahang konsultatibong kumperensya sapagkat…