Tulay sa bayan ng Santa Cruz, bigyan naman kahit konting awa

Kagaya ng awitin ni Nora Aunor na may pamagat na “Kahit Konting Awa”, nagtatanong ang mga residente sa tatlong barangay sa bayan ng Santa Cruz kung sino baga talaga ang mapalad? Sino baga talaga ang kaawa-awa? Ang mga namumuno ba sa pamahalaan na napanis na ang laway sa kapapangako o ang mga mamamayan at mga estudyante  na nagpapakahirap tumawid sa sirang tulay na dekada na nilang pinagtitiisan at pinoproblema? “Kalbaryo para sa mga mag aaral, perwisyo sa mga mamamayan”. Iyan ang madalas na marinig na mga reklamo at mabasa sa…

Lalaking lasing sa bayan ng Boac, nanakit ng lola

Viral ngayon sa social media ang video kung saan makikita ang panununtok ng isang lalaking nakainom sa isang tindera sa bayan ng Boac. Makikita sa video na ibinahagi ni Jopat Calachan Leal sa Facebook na ilang beses na sinuntok ng nasabing lalaki ang tindera. Kinamaya-mayaan ay lumabas ang tindera sa kanyang tindahan habang sumisigaw at humihingi ng saklolo. Subalit lumapit ang lalaki sa tindera at sinuntok muli ito. Kinilala ng pulisya ang nag-amok na lalaki na si Ricardo Ritamola, Jr., 38, isang barker at nakatira sa barangay Janagdong, Mogpog. Ayon…

Huwag magsagawa ng anumang konstruksyon sa Laylay Port habang ‘di pa aprubado ang pinal na plano -NHCP

“We enjoin you not to undertake any construction until final development plan is approved by the NHCP, the National Museum and other concerned government agency”, ito ang naging katugunan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) matapos ang masusing pagsusuri na isinagawa ng ahensya sa mga ipinadalang plano ng pamahalaang bayan ng Boac para sa ipinapanukalang pagpapaunlad ng Laylay Magnetic Observation Station. Nitong mga nakalipas na Linggo kasi ay mainit na pinag-usapan sa social media ang ginawang paggiba sa “ruins” o iyong mga haligi na makikita sa harapang bahagi ng…

#WalangPasok: Setyembre 13, special non-working holiday sa Marinduque

Walang pasok sa trabaho at sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa Marinduque ngayong darating na Miyerkules, Setyembre 13 hindi dahil sa bagyong Maring o Lannie bagkus ay sa dahilang ipagdiriwang ng probinsiya ang ika-117 na taong paggunita sa makasaysayang Labanan sa Pulang Lupa na may paksang “Hamon ng Labanan sa Pulang Lupa sa Makabagong Panahon: Kurapsyon at Droga ay Iwasan, Kapaligiran ay Pangalagaan, Tungo sa Mapayapa at Maunlad na Bayan”. Ang Republic Act No. 6702 na nilagdaan noong Pebrero 10, 1989 ay nagdedeklara na special non-working holiday sa buong Marinduque…