Biyahe ni Drew: Biyaheng Marinduque

Anong magagandang tanawin at masasarap na pagkain kaya ang nagaabang kay biyaHERO Drew sa Marinduque? Bago ang nakatakdang pagpapalabas ng Biyahe ni Drew mamayang gabi, pinahulaan n’ya muna sa mga netizen kung saang lugar ang kaniyang susunod na destinasyon. Dahil ito lamang ang ibinigay na clue, _ A _ _ _ _ _ _ _ E, may mga humula na PARANAQUE at MASBAAAATE raw ito. Kaya naman, ang isa nating kababayan na si Japs Cee, dadali-daling sumagot, “Sa Marinduque baya ‘yan. Ei!” Samantala, ibinigay naman ni Raffy Garcia, ang pangalan…

Pawikan, aksidenteng nahuli sa lambat ng ilang mangingisda sa Gasan

Aksidenteng nahuli sa lambat ang isang pawikan habang nangingisda ang ilang residente ng Sitio Talinya, Barangay Masiga, Gasan, Marinduque kahapon ng hapon, Hulyo 25. Agad namang ipinaalam ang pangyayari sa mga awtoridad at sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). Sa pagsusuri wala naman nakitang sugat sa katawan ng pawikan. Kaya naman, kasama ang mga kinatawan mula sa DENR at Gasan Municipal Police Station (Gasan MPS), pinakawalan rin sa dagat ang nasabing pawikan kaninang umaga. Last updated on July 27, 2017 | Photo courtesy to the owner

Marinduque candidate, puspusan na ang paghahanda sa pagsabak sa Miss Tourism PH 2017

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Marinduque candidate sa Miss Tourism Philippines 2017 na si Princess Anne Noche ng Barangay Butansapa, Mogpog, Marinduque. Limang tulog na lamang bago ang inaabangang coronation night, sinabi ni Princess sa exclusive interview ng Marinduque News na todo praktis na ito sa kaniyang rampa at question and answer. “I’ve been working a lot. Nagwo-work out po ako tapos nagbabasa ng mga current events at materials about tourism particulary sa Marinduque”, pahayag ni Princess. Sa tanong, kung paano mapapalakas ng lalawigan ang sektor ng turismo, sinabi…

Ilang estudyante, guro sa Tigwi Nat’l HS sa bayan ng Torrijos, hindi nakapasok sa klase

Hindi nakapasok ang ilang mag-aaral at guro ng Tigwi National High School (TNHS) sa Barangay Tigwi, Torrijos, Marinduque kaninang umaga, Hulyo 11. Tumaas kasi ang tubig-baha sa ilog na tinatawiran ng mga mag-aaral, guro at ilang residente sa naturang lugar sanhi ng malakas na buhos ng ulan simula pa kagabi. Malaki rin ang resulta ng mga nakaharang na debris sa mabagal na paghupa ng tubig sa ilog. Matatandaan na sa kasalukuyan ay patuloy pa ring ginagawa ang konstruksyon ng tulay sa nasabing lugar. Read also: Pinabayaang proyektong tulay sa bayan ng…

Marinduquenong seaman, patuloy na pinaghahanap matapos lumubog ang sinasakyang barko sa Atlantic Ocean

Isa ang seaman na si Rodel Oblipias, 29 taong gulang, tubong Lapu-lapu, Santa Cruz, Marinduque sa labing-apat na tripulanteng Pinoy na una ng napaulat na nawawala matapos lumubog ang kanilang sinasakyang South Korean cargo ship sa Atlantic Ocean noong Marso 31, 2017. Read also: Marinduqueno, kasama sa 14 na Pinoy crew na nawawala sa lumubog na barko sa Atlantic Ocean Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang ginagawang paghahanap ng pamilya nito lalo na ang kanyang kasintahan na si Charmaine Rey na umaasa na makakasamang muli ang kanyang fiancé. Narito ang…