Hiniling ni Marinduque Congressman Lord Allan Jay Velasco sa mismong presidente ng National Power Corporation (Napocor) na si Pio Benavidez na i-upgrade ang mga linya ng kuryente at dagdagan ang generator upang maayos ang voltage, supply at transmission ng kuryente sa lalawigan. Ito ay matapos makaranas ng paulit-ulit at maya’t mayang brownout ang mga bayan ng Boac, Mogpog, Santa Cruz at Torrijos nitong mga nakalipas na araw. Sa loob ng isang araw ay umaabot sa dalawa hanggang tatlong beses ang brownout na tumatagal nang tatlo hanggang apat na oras ang…
Author: Romeo A. Mataac, Jr.
Panawagan sa pamilya ni Tatay Reynaldo Pernia Peregrin ng Santa Cruz
Panawagan sa ating mga kababayang Marinduqueno lalo na sa mga taga Santa Cruz, Marinduque, baka sakaling may mga kamag-anak o kapamilya na nakakakilala kay Tatay Reynaldo Pernia Peregrin. Ayon sa ibinahaging post ni Grace Deang, si Tatay Reynaldo ay kasalukuyang sakay (as of this posting) ng Saudia, flight no. 872 at darating sa Maynila ngayong araw. Tatlumpu’t dalawang taon na umano si Tatay Reynaldo na hindi nakakauwi sa Pilipinas. Galing ito sa bansang Sudan. Dahilan sa wala itong pamilya, itu-turnover ito sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at pagkatapos ay…
Seal of Good Governance, inaasahang makukuhang muli ng Marinduque
BOAC, Marinduque – Bumisita sa Marinduque ang grupo ng Seal of Good Governance Assessment Team ng Department of Interior and Local Government (DILG)-Mimaropa Region upang pag-usapan ang estado ng lalawigan sa iba’t-ibang aspeto ng mabuting pamamahala. Ang pagpupulong ay dinaluhan nina Governor Carmencita Reyes, Provincial Administrator Baron Jose Lagran, DILG-Marinduque Provincial Director Frederick Gumabol, mga kinatawan ng Philippine National Police at ilang pinuno ng lokal na pamahalaan. Naging facilitator ng assessment sina Regional Assessment Team (RAT) Leader Karl Caesar Rimando, RAT Member Fransisco De Jesus, Provincial Director ng Romblon na…
Marinduque News Network, may Instant Articles na
Upang mas mabilis na maihatid ang mga balita sa ating mga kababayan lalo na sa mga Marinduqueno, nasuri at na-aprubahan na ng Facebook ang Instant Article App sa aming Facebook page na Marinduque News Network.
Marelco, perwisyong todo-todo
Walang natutuwa at talagang nanggagalaiti na ang ating mga kababayan sa nagaganap na paulit-ulit at maya’t mayang brownout sa ilang mga bayan sa lalawigan ng Marinduque. Sa loob ng isang araw ay umaabot sa dalawa hanggang tatlong beses ang brownout na tumatagal nang tatlo hanggang apat na oras ang pinakamalala. Kaya naman ang ilan sa ating mga Ka Ngani ay hindi na napigilan ang maglabas ng sama ng loob sa social media sa umano’y inutil at palpak na serbisyo ng Marinduque Electric Cooperative o Marelco. “Hindi po ngayon Pasko para…