Project Alagalaan nagsagawa ng workshop tungkol sa ‘sustainable tourism’

Naging matagumpay at makabuluhan ang isinagawang dalawang araw na workshop na inorganisa ng Project Alagalaan sa pangunguna ni Romina Lim na may layuning palakasin ang “sustainable tourism” sa bansa. Ang workshop na dinaluhan ng mga travel enthusiasts at bloggers ay isinagawa nitong Mayo 13-14 sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Embassy of the United States in Manila (US Embassy) at Save Philippine Seas (SPS). Sa unang araw ng workshop ay tinalakay ang kahalagahan ng ecotourism, biodiversity at marine ecosystem ng bansa. Ito ay isinagawa sa Hive Hotel,…

2 sugatan sa pagsabog ng paputok sa bayan ng Boac

BOAC, Marinduque – Dalawang pulis na pawang miyembro ng Boac Municipal Police Station (Boac MPS) ang nasugatan matapos ang naganap na pagsabog sa barangay Santol, Boac, Marinduque. Kinilala ang mga biktima na sina SPO2 Nelson Ricohermoso at PO2 Jeffrey Gutierrez na pawang nagpapagaling na sa Marinduque Provincial Hospital. Bandang alas-3:10 ng hapon ng dumating sa lugar ang grupo ng mga kapulisan ng Boac MPS kasama ang mga bombero ng Bureau of Fire Protection-Boac upang sirain ang mga nakumpiskang paputok ngunit bigla umano itong sumabog. Ang nasabing mga paputok ay nakumpiska noon pang…

PPM nagsagawa ng orientation para sa mga kababaihan ng Marinduque

BOAC, Marinduque – Nagsagawa nitong Mayo 5, 2017 ng ‘orientation’ ang Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque (PPM) patungkol sa Republic Act 9710-Magna Carta of Women at iba pang batas na may kinalaman sa mga karapatan ng kababaihan na dinaluhan ng iba’t ibang ‘women’s group’ at mga kawani ng kapitolyo. Dumalo rin sa nasabing ‘orientation’ si Gob. Carmencita Reyes na binigyang diin ang kahalagahan at partisipasyon ng sektor ng kababaihan sa lalawigan, gayundin ang importansya ng edukasyon sa mga bata. Nakiisa rin sa gawain si Bokal Theresa Caballes na kilalang nagsusulong ng…