Ika-394 Founding Anniversary ng bayan ng Boac, pormal ng binuksan

BOAC, Marinduque – Opisyal ng binuksan kanina, Nobyembre 30, ang pagdiriwang ng ika-394 Boac Founding Anniversary na may paksang “Boakeno Sulong Pa, Tara Na” sa pamamagitan ng Food Caravan at  pagbubukas ng Agri-Tourism Fair and Exhibit 2016 sa Bagsakan Center, San Miguel, Boac, Marinduque. Ang nasabing gawain ay tatagal hanggang Disyembre 8, 2016. Photo courtesy of Bernadine Opis Mercado

Ombudsman, ibinasura ang graft charges laban kina Reyes, Bacorro at 7 iba pa

Pinawalang-sala ng Office of the Ombudsman sa pangunguna ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sina Marinduque Governor Carmencita Reyes, Vice Governor Romulo Bacorro, Jr., Board Member Harold Red, Former Board Member Norma Ricohermoso, Former Provincial Legal Officer Marie Fe Galvez-Garcia at apat na iba pa sa umano’y paglabag nila sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Code of Conduct and Ethical standards for Public Officials and Employees – Abuse of Authority. Noong Pebrero 9, 2015, nagsampa ng kaso ang dating bokal ng Marinduque at presidente ng Sargasso Construction and Development Corporation na…

Team Bangiz-Boac, kampeon sa Marinduqueno Basketball Cup 2016

Natapos na ang 2nd Season ng 11th Kabataang Samahang Marinduqueno (KASAMARIN) Basketball Tournament: Marinduqueno Cup 2016, may temang “Katuwaan Laang Mandin” na isinagawa sa Manila Bulletin Gym, Intramuros, Maynila nitong Sabado, Nobyembre 26. Sa unang quarter pa lamang ay nagpaulan na agad ng back-to-back-to-back three points si Rayos ng Team Batang Laylay na ikinagulantang ng tropa ng Team Bangiz. Ang koponan ng Team Bangiz ay ang pinagsanib na puwersa ng barangay Bangbangalon at Amoingon. Tila baga ay natulala ang Team Bangiz sa ginawang ito ni Rayos. Nang sumapit na ang…

Sta. Cruz-PNP, nakiisa sa Coastal Clean Up sa Brgy. Kamandugan

Nakiisa ang mga miyembro ng Philippine National Police – Sta. Cruz sa isinagawang Coastal Clean Up sa barangay Kamandugan, bayan ng Sta. Cruz, Marinduque kaninang umaga, Nobyembre 23. Ang gawain ay bahagi ng pagpapanatili ng kalinisan ng mga baybaying dagat gayundin ang pagdedeklara bilang ‘drug free community’ ng nasabing barangay. Photo courtesy of Sta. Cruz-PNP

Pawikan, natagpuan sa baybayin ng Balanacan, Mogpog

MOGPOG, Marinduque – Isang lalaking pawikan ang natagpuan ng mangingisda sa baybayin ng barangay Balanacan, Mogpog, Marinduque bandang alas-12:00 ng umaga kanina, Nobyembre 21. Nang matagpuan ang pawikan, dinala ito sa tabing dagat upang hindi manganib ang buhay nito. Agad ipinaalam ng mga opisyales ng barangay sa tanggapan ng Marinduque Provincial Veterinary Office at Department of Environment and Natural Resources ang pangyayari. Sa pagsusuri, wala naman nakitang sugat sa katawan ng pawikan kaya pinakawalan din ito kaagad. Photo courtesy of Dr. JM Victoria