90’s action icon na si Jeric Raval, napasyal sa Marinduque

Naaalala n’yo pa ba ang 90’s action icon na si Jeric Raval? Leather jacket, kupas na pantalon, makintab na ayos ng buhok, iyan ang astig at matikas na dating ni Ricardo Buensuceso o mas kilala na Jeric Raval. Nitong hapon ng Disyembre 16 ay nakita ng ating mga kababayan si Jeric Raval sa pantalan ng Balanacan, Mogpog pabalik na ng Maynila. Nanggaling ito sa shooting ng isang indie film na kinuhanan sa Maniwaya Island, Santa Cruz. Si Jeric ang tinaguriang junior action star of the 90’s at prince of hard…

Marelco, hiniling sa mga konsumer na agad bayaran ang nakonsumong kuryente

Sa liham na inilathala ng Marinduque Electric Cooperative (Marelco) sa kanilang official Facebook page nitong Disyembre 14, ipinahayag ni Engr. Gaudencio Sol, Jr., general manager ng Marelco sa mga konsumer nito na simula sa darating na Enero 2017 ang kolektor ng Marelco ay isang beses na lamang bibisita sa mga lugar na kanilang nasasakupan at ito ay sa araw lamang ng pagbibigay ng Statement of Account. Kasabay nito, hiniling din ni Engr. Sol sa kanilang mga konsumer na agad bayaran ang mga nakonsumong kuryente sa loob ng itinakdang araw. Narito…

Velasco at kanyang maybahay, kasama sa state visit ni Duterte sa SG

Muling makakasama ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kinatawan ng lalawigan ng Marinduque sa Kongreso na si Cong. Lord Allan Jay Velasco sa pagbisita nito sa Singapore ngayong darating na ika-15 hanggang ika-16 ng Disyembre 2016. Kasama rin sa nasabing pagbisita ang maybahay ni Velasco na si Rowena Kristina Amara Velasco. Si Mrs. Velasco ang founder at chairperson ng Pilipinong May Puso Foundation. Matatandaan na noong bumisita ang pangulo sa China ay kasama rin sa delegasyon si Cong. Velasco. Samantala, kahapon Disyembre 13 ay bumiyahe na si Pangulong Duterte para naman sa…

57th Mimaropa RDC Full Council Meeting, isinasagawa sa Marinduque

MOGPOG, Marinduque – Dumating kahapon, Disyembre 12 sa lalawigan ng Marinduque ang mga delegado kabilang ang mga kongresista, gobernador at alkalde ng iba’t ibang lalawigan na sakop ng Mimaropa Region (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) para sa kanilang pagdalo sa 57th Regional Development Full Council Meeting. Ang Regional Development Council (RDC) ay ang pinakamataas na pagpaplano at patakarang-paggawa ng mga kinatawan ng isang rehiyon. Ito ay nagsisilbing kabahagi ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board sa sub-national na antas. Ito ay ang pangunahing institusyon na nag-uugnay at nagtatakda ng…

Putik kang nasa Pwesto, Nahan na ang Pangako Mo?

Ito ang kalsada na nag-uugnay sa pagitan ng barangay Cawit at barangay Tugos sa bayan ng Boac, Marinduque. Sa tuwing sasapit ang tag-ulan, pangkaraniwan na ang tanawing ito. Putik doon, putik dito, putik kahit saan, kaya naman ang kalsada, hirap ng madaanan. Ang mga residente, napapasigaw na lamang ng “Putik kang nasa pwesto, nahan na ang pangako mo?” Ayon sa Facebook post ni Kabayang Benjamin Larga “Ito ang kondisyon ng aming kalsada mula barangay Cawit patungong barangay Tugos. Taun-taon halos anim na dekada na, ganito pa rin ang sitwasyon, parang…