Ex-mayor Briones patay, sa banggaan ng motor at bus sa Torrijos

TORRIJOS, Marinduque – Idineklarang wala nang buhay ang dating mayor at ngayo’y konsehal ng bayan ng Torrijos, Marinduque na si Coun. Gil Briones ito ay matapos na mabangga ang kanyang sinasakyang motorsiklo ng isang pampasaherong bus bandang alas-6:40 ngayong umaga, Oktubre 6, 2016. Ayon sa panayam ng Marinduque News Online kay Police Inspector Mikhail Gennadi Valeroso, Officer in Charge ng Torrijos Municipal Police Station, nangyari ang insidente sa tapat ng sementeryo ng nasabing bayan. Bumisita diumano ang ex-mayor sa puntod ng asawa nito at noong pauwi na sakay ng kanyang motorsiklo…

Lalaki sa Boac na umano’y tulak ng shabu, huli sa buy bust

BOAC, Marinduque – Nahuli sa Boac, Marinduque ang isang lalaking tulak umano ng ipinagbabawal na droga. Naaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya nitong Huwebes, Setyembre 29, 2016 bandang alas 2:40 ng hapon si Alexander Calingasan dela Rosa kilala sa tawag na Alex, apatnapu’t anim na taong gulang at residente ng Barangay Bantad Boac, Marinduque. Narekober mula sa suspek ang tatlong sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may kabuuang timbang na 0.1342 gramo at may street value na Php 3, 000.00, mga cellphones at isang libong piso na…

Former Sen. Miriam Defensor Santiago pumanaw na, 71

Kinumpirma ni dating DILG Usec. Narciso “Jun” Santiago na pumanaw na ang kaniyang asawang si dating Sen. Miriam Defensor-Santiago. Ayon kay ginoong Santiago, nasa isang private room ang dating mambabatas nang ito ay bawian ng buhay. Hindi muna nagsiwalat ng iba pang detalye ang pamilya dahil abala pa raw sila sa pagsasa-ayos ng labi ng senadora. Ang mambabatas ay dati nang natukoy na may lung cancer. Source and courtesy: Bombo Radyo

Free Wi-Fi hot spots to be set up in Boac plaza and MSC

Free Wi-Fi link eases digital divide By Maricar Cinco, Inquirer Southern Luzon BOAC, Marinduque – Residents of Boac, the capital town of the island province of Marinduque, would soon access the internet for free in several public areas and schools as the local government works to plug the digital divide. Luna Manrique, Boac municipal planning officer, said the municipal government is eyeing to set up Wi-Fi hot spots in the town’s plaza and at the Marinduque State College. Boac, a first-class municipality (with an average annual income of P55 million or…

2 tapat na janitor sa Kamara, kinilala

TORRIJOS, Marinduque – Isa si Michael Mark Quimora, tubong Sitio Banukbok, Brgy. Cabuyo, Torrijos, Marinduque sa dalawang janitor na kinilala sa kongreso dahil sa kanilang pagiging matapat. Ito ay matapos isauli ang Php 19,500 na halaga ng perang natagpuan nila sa upuan ng isang mambabatas sa plenary hall noong nakaraang linggo. Ayon sa report ng Radyo Inquirer, naglilinis si Crispin Jasareno sa bulwagan ng Batasang Pambansa sa Quezon City nang bigla niyang makita ang bugkos ng tig-Php 500 na pera sa upuan ni Cebu Rep. Jonas Cortes noong Miyerkules. Agad niyang tinawag…