Bacorro, iba pang lider sa Marinduque nanumpa kay Romualdez

BOAC, Marinduque — Pormal nang nanumpa sa tungkulin sa harap ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez si Vice Governor-elect Romulo Bacorro Jr kasama ang iba pang mga bagong halal na lokal na opisyal sa lalawigan ng Marinduque.

Kabilang sa mga nanumpa ay sina Mayor Armi Carrion, Vice Mayor Mark Anthony Seño, Pambansang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan President John Mark Jayag, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Mark Angelo Jinang, Luisito Laylay, Wilson Mabute, Gilmer Manguera, at Aljenic Andrew Solomon, pawang mula sa munisipalidad ng Boac.

Nanumpa rin sina Mogpog Mayor Senen Livelo Jr at Sta. Cruz Mayor Marisa Red-Martinez, kasama ang tatlong miyembro ng konseho ng bayan na sina Noralyn Dulnuan, Rustico Reynoso Jr., at Atty. Revo Joshua Red.

Isinagawa ang seremonya sa Mt. Fuji Restaurant sa Manila Polo Club, Makati City nitong Huwebes, Hunyo 19. — Marinduquenews.com

error: Content is protected !!