Blog

Bacorro, nanumpa sa Aksyon Demokratiko ni Isko

BOAC, Marinduque — Pormal nang nanumpa kay presidential aspirant at Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso bilang bagong kasapi ng partido ng Aksyon Demokratiko si Marinduque Vice Gov. Romulo Bacorro, Jr. kamakailan. Mismong si Domagoso, bilang pangulo ng Aksyon Demokratiko, ang nanguna sa oath taking ceremony na ginanap sa Bulwagang Villegas ng Manila City Hall na dinaluhan ng humigit 20 lokal na opisyales mula sa Malabon, Bulacan, Tarlac, Zambales, Laguna, Batangas, Marinduque, Albay at Romblon. Sa isang panayam, sinabi ni Bacorro na ang paniniwala sa prinsiyo ng partido ang naging…