Niyanig ng magnitude 2.1 na lindol ang kanlurang bahagi ng Marinduque kaninang tanghali. Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivocs) ang pagyanig ganap na alas-12:32 ng tanghali sa bayan ng Boac, Marinduque. May lalim na 027 kilometro ang lindol na tectonic ang origin. Read also: Abandonadong Marcopper mining sites, delikado na sa publiko -DOH May mga initial report na diumano ay mayroong napinsala na ilang paaralan na naging dahilan para hindi muna papasukin ngayong hapon ang mga mag-aaral sa mga apektadong lugar. This is a developing story, please refresh to receive new updates.
Category: Boac
Mga plastic, nakuha mula sa tiyan ng namatay na moonfish sa Marinduque
BOAC, Marinduque – Isang malaking isda na kung tawagin ay Moonfish (Opah) ang natagpuang wala ng buhay ng mga mangingisda, pasado alas-5:30 kaninang hapon sa baybaying sakop ng barangay Balaring, Boac, Marinduque. Mabilis namang ipinaalam ng mga operatiba ng Pambansang Kapulisan (PNP) sa Team Leader ng Marinduque Animal and Wildlife Rescue Emergency Response Team (MAWRERT) upang kilalanin kung anong uri ng isda ito at upang alamin ang dahilan ng kamatayan nito. Sa ginawang pagsusuri ni Dr. Josue M. Victoria, Marinduque Provincial Veterinary, nakuha sa tiyan ng namatay na malaking isda…
Seal of Good Governance, inaasahang makukuhang muli ng Marinduque
BOAC, Marinduque – Bumisita sa Marinduque ang grupo ng Seal of Good Governance Assessment Team ng Department of Interior and Local Government (DILG)-Mimaropa Region upang pag-usapan ang estado ng lalawigan sa iba’t-ibang aspeto ng mabuting pamamahala. Ang pagpupulong ay dinaluhan nina Governor Carmencita Reyes, Provincial Administrator Baron Jose Lagran, DILG-Marinduque Provincial Director Frederick Gumabol, mga kinatawan ng Philippine National Police at ilang pinuno ng lokal na pamahalaan. Naging facilitator ng assessment sina Regional Assessment Team (RAT) Leader Karl Caesar Rimando, RAT Member Fransisco De Jesus, Provincial Director ng Romblon na…
Marinduque, isa pa rin sa pinakatahimik at ligtas na probinsya sa bansa
Ang Marinduque ay isa pa rin sa pinakatahimik na probinsya sa buong bansa. Katunayan, bumaba ang monthly crime rate sa lalawigan sa 19.6% mula sa dating 22.5%.
Boac, Marinduque’s 3rd most wanted arrested
The number 3 most wanted person of Boac, Marinduque, municipal level identified as Madelyn Rempillo Embing, 42 years old and a resident of Barangay Santol, Boac, Marinduque was arrested by the personnel of Boac Municipal Police Station on June 5, 2017.