Hydraulic rescue equipment, na-i-turnover na ng WeberRescue sa LGU Marinduque

BOAC, Marinduque – Dumating na ang mga biniling emergency response equipments ng Provincial Capitol sa WeberRescue, isang supplier ng mga hydraulic rescue equipment mula sa United Kingdom. Ayon sa Marinduque Provincial Government, matapos ma-i-tuover ang mga kagamitan, tinuruan naman ng WeberRescue ang mga kinatawan mula sa Bureau of Fire Protection, Philippine National Police at mga empleyado ng Motorpool kung papaano gamitin ang mga ito gaya ng spreaders, cutters, rescue rams at compact power unit. Maliban pa rito ay ipinaliwanag sa kanila ni Hans Griese, facilitator ng emergency response training mula…

Magnitude 2.1 na lindol, tumama sa Marinduque

Niyanig ng magnitude 2.1 na lindol ang kanlurang bahagi ng Marinduque kaninang tanghali. Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivocs) ang pagyanig ganap na alas-12:32 ng tanghali sa bayan ng Boac, Marinduque. May lalim na 027 kilometro ang lindol na tectonic ang origin. Read also: Abandonadong Marcopper mining sites, delikado na sa publiko -DOH May mga initial report na diumano ay mayroong napinsala na ilang paaralan na naging dahilan para hindi muna papasukin ngayong hapon ang mga mag-aaral sa mga apektadong lugar. This is a developing story, please refresh to receive new updates.

Mga plastic, nakuha mula sa tiyan ng namatay na moonfish sa Marinduque

BOAC, Marinduque – Isang malaking isda na kung tawagin ay Moonfish (Opah) ang natagpuang wala ng buhay ng mga mangingisda, pasado alas-5:30 kaninang hapon sa baybaying sakop ng barangay Balaring, Boac, Marinduque. Mabilis namang ipinaalam ng mga operatiba ng Pambansang Kapulisan (PNP) sa Team Leader ng Marinduque Animal and Wildlife Rescue Emergency Response Team (MAWRERT) upang kilalanin kung anong uri ng isda ito at upang alamin ang dahilan ng kamatayan nito. Sa ginawang pagsusuri ni Dr. Josue M. Victoria, Marinduque Provincial Veterinary, nakuha sa tiyan ng namatay na malaking isda…

Seal of Good Governance, inaasahang makukuhang muli ng Marinduque

BOAC, Marinduque – Bumisita sa Marinduque ang grupo ng Seal of Good Governance Assessment Team ng Department of Interior and Local Government (DILG)-Mimaropa Region upang pag-usapan ang estado ng lalawigan sa iba’t-ibang aspeto ng mabuting pamamahala. Ang pagpupulong ay dinaluhan nina Governor Carmencita Reyes, Provincial Administrator Baron Jose Lagran, DILG-Marinduque Provincial Director Frederick Gumabol, mga kinatawan ng Philippine National Police at ilang pinuno ng lokal na pamahalaan. Naging facilitator ng assessment sina Regional Assessment Team (RAT) Leader Karl Caesar Rimando, RAT Member Fransisco De Jesus, Provincial Director ng Romblon na…