Kuryente sa 4 na bayan sa Marinduque, naibalik na

BOAC, Marinduque – Nagbalik na ang kuryente sa apat na bayan sa Marinduque dahil sa mga naisayos na service drop wires sa mga nasabing lugar, sa  pakikipagtulungan ng Task Force Kapatid mula Central at Southern Luzon. Binubuo ang Task Force Kapatid ng Pampanga Electric Cooperative I (PELCO I), Pampanga Electric Cooperative II (PELCO II), Tarlac Electric Cooperative I (TARELCO I), Tarlac Electric Cooperative II (TARELCO II), Batangas Electric Cooperative I (BATELCE I), Batangas Electric Cooperative II (BATELEC II) at Romblon Electric Cooperative (ROMELCO). Ayon sa huling post na larawan ng…

Bilang ng naputukan noong nakaraang taon, bumaba -DOH Marinduque

BOAC, Marinduque – Sa naisumiteng pahayag ni Delbert Madrigal, kinatawan ng Department of Health (DOH) sa Marinduque, sinasabing mas mababa ng limampung porsiyento ang naitalang kaso ng ahensya at ng Dr. Damian J. Reyes Provincial Hospital sa pagsalubong ngayong taong 2017. Ayon kay Madrigal, sa ngayon ay tatlo lamang ang naging biktima ng mga ipinagbabawal na paputok kung saan ay mas mababa kumpara sa anim na naputukan noong nakalipas na taon. Dagdag pa niya, wala naman sa ngayon ang naputulan ng kamay at paa dahil sa pagpapaputok ng fireworks o…

Robredo itinanggi ang pagkakadawit sa ‘LeniLeaks’ sa isang presscon sa Marinduque

BOAC, Marinduque – Sa kabila ng mga kumakalat na balita sa social media tungkol sa ‘LeniLeaks’, itinanggi mismo ni Vice President Leni Robredo sa isang press conference na isinagawa sa Marinduque ang pagkakadawit ng kanyang pangalan hinggil sa alegasyong ito. Nagtungo si Robredo sa Marinduque ngayong araw, Enero 9 upang bisitahin ang mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Nina. Tanong ng bise presidente sa mga nanggugulo sa kanya, kung sakaling sikreto umano ang pinag-uusapan na patalsikin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte at ipabasura ang pending electoral protest ni dating…

Away from national attention, Marinduque suffers in silence

BOAC, Marinduque – This island-province, once known as the Copper Capital of the country and home to the colourful Moriones festival, suffered severely from the devastation of Christmas Day Typhoon Nina with about 21,000 hectares of its agricultural crops destroyed or damaged. Isolated because of the absence of a direct plane flight from Manila and away from the attention of the national media, not very many people knew of the extent of the devastation in the province. In fact, I only learned of the sad state of the province through comments…

Kalihim ng Kagawaran ng Pagsasaka bumisita sa Marinduque

BOAC, Marinduque – Sobrang lungkot at pagkahabag ang naramdaman ni Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel F. Piñol sa mga magsasaka at mangingisda ng Marinduque nang makita niya ang iniwang pagkasira sa agrikultura ng lalawigan dulot ng bagyong Nina. Sa kanyang pahayag sa isinagawang programa na “Tapatan: Gobyerno at Mamamayan, Dialogue with Farmers and Fisherfolks and Ceremonial Turn-Over of Agricultural and Fishery Inventions na ginanap sa Provincial Convention Center”, ipinaabot niya ang kanyang pagkahabag sa mga kapwa niya magsasaka at mangingisda dahil kulang sa pagbibigay-pansin ang media sa kapinsalaang iniwan…