BOAC, Marinduque – Binayo ng bagyong Nina na may international name na Nock-Ten ang lalawigan ng Marinduque na napabilang sa mga probinsyang itinaas sa Signal No. 4 bandang alas-singko ng umaga nitong Disyembre 26. Sa track na tinahak ng bagyo, pumasok at naglandfall sa ika-apat na pagkakataon sa bayan ng Torrijos si Nina na may dalang malakas na ihip ng hangin at malakas na pagbuhos ng ulan. Nagdulot ng matinding pinsala sa mga pananim at maging sa mga kabahayan ang iniwang bakas ni Nina na matinding ikinalungkot ng mga mamamayan.…
Category: Boac
Putik kang nasa Pwesto, Nahan na ang Pangako Mo?
Ito ang kalsada na nag-uugnay sa pagitan ng barangay Cawit at barangay Tugos sa bayan ng Boac, Marinduque. Sa tuwing sasapit ang tag-ulan, pangkaraniwan na ang tanawing ito. Putik doon, putik dito, putik kahit saan, kaya naman ang kalsada, hirap ng madaanan. Ang mga residente, napapasigaw na lamang ng “Putik kang nasa pwesto, nahan na ang pangako mo?” Ayon sa Facebook post ni Kabayang Benjamin Larga “Ito ang kondisyon ng aming kalsada mula barangay Cawit patungong barangay Tugos. Taun-taon halos anim na dekada na, ganito pa rin ang sitwasyon, parang…
Organic Farming sisimulan sa Brgy. Lupac, Boac
BOAC, Marinduque – Pinulong ni Gov. Carmencita Reyes ngayong umaga, Disyembre 7 ang punong barangay at mga kagawad ng barangay Lupac upang ipaalam na babahaginan sila ng mga binhi na gagamiting panimula sa kanilang organic farming na bahagi ng Wellness Project Program ng lalawigan. Photo courtesy of Marinduque Provincial Government
Giant christmas tree, sinindihan na sa Boac
BOAC, Marinduque – Tunay na nadarama na ng mga Boakeno ang simoy ng pasko sa kanilang bayan matapos sindihan nitong gabi ng Nobyembre 30 ang higanteng Christmas Tree na nakatayo sa gitna ng plaza ng Boac. Photo courtesy of Raoul J. Magcamit
Ika-394 Founding Anniversary ng bayan ng Boac, pormal ng binuksan
BOAC, Marinduque – Opisyal ng binuksan kanina, Nobyembre 30, ang pagdiriwang ng ika-394 Boac Founding Anniversary na may paksang “Boakeno Sulong Pa, Tara Na” sa pamamagitan ng Food Caravan at pagbubukas ng Agri-Tourism Fair and Exhibit 2016 sa Bagsakan Center, San Miguel, Boac, Marinduque. Ang nasabing gawain ay tatagal hanggang Disyembre 8, 2016. Photo courtesy of Bernadine Opis Mercado