Provincial Athletic Meet sa Marinduque naging matagumpay

BOAC, Marinduque – Pormal nang binuksan ni Dr. Carlito Matibag, Schools Division Superintendent ng Department of Education-Marinduque ang Palarong Panlalawigan 2017 sa Marinduque Expo Site, San Miguel, Boac, Marinduque. Sa pagsisimula ng patimpalak ay nagbigay si Matibag ng pampasiglang pananalita para sa 2,049 na mga atleta mula sa anim na bayan ng lalawigan. “Ang tunay na gintong medalya ay yari sa pawis, dugo, determinasyon at kagustuhang manalo. At ngayon sa kapangyarihang ibinigay sa akin ng Kagawarang ng Edukasyon, pormal kong binubuksan ang Palarong Panlalawigan 2017.” Pinasimulan ang gawain sa pamamagitan…

#WalangPasok: Setyembre 13, special non-working holiday sa Marinduque

Walang pasok sa trabaho at sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa Marinduque ngayong darating na Miyerkules, Setyembre 13 hindi dahil sa bagyong Maring o Lannie bagkus ay sa dahilang ipagdiriwang ng probinsiya ang ika-117 na taong paggunita sa makasaysayang Labanan sa Pulang Lupa na may paksang “Hamon ng Labanan sa Pulang Lupa sa Makabagong Panahon: Kurapsyon at Droga ay Iwasan, Kapaligiran ay Pangalagaan, Tungo sa Mapayapa at Maunlad na Bayan”. Ang Republic Act No. 6702 na nilagdaan noong Pebrero 10, 1989 ay nagdedeklara na special non-working holiday sa buong Marinduque…