Walang pasok sa trabaho at sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa Marinduque ngayong darating na Miyerkules, Setyembre 13 hindi dahil sa bagyong Maring o Lannie bagkus ay sa dahilang ipagdiriwang ng probinsiya ang ika-117 na taong paggunita sa makasaysayang Labanan sa Pulang Lupa na may paksang “Hamon ng Labanan sa Pulang Lupa sa Makabagong Panahon: Kurapsyon at Droga ay Iwasan, Kapaligiran ay Pangalagaan, Tungo sa Mapayapa at Maunlad na Bayan”. Ang Republic Act No. 6702 na nilagdaan noong Pebrero 10, 1989 ay nagdedeklara na special non-working holiday sa buong Marinduque…
Category: Events and Activities
Mga eskwelahan sa Torrijos, inaanyayahang lumahok sa Drum and Lyre Competition
Kasalukuyan nang tumatanggap ng kalahok ang pamahalaang lokal ng Torrijos para sa mga eskwelahan na nagnanais sumali sa 2017 Municipal Drum and Lyre Competition. Bukas ang patimpalak na ito para sa mga paaralang elementarya at sekondarya na nasa distrito lamang ng Torrijos na kailangang binubuo ng 45 hanggang 90 miyembro. Paglalabanan ng mga mag-aaral ang piyesang “Ang Labanan sa Pulang Lupa”. Maaari lamang magtagal ang pagtatanghal sa loob nang 12-15 minuto para sa elementarya at 15-20 minuto para naman sa hayskul. Isang puntos naman ang ibabawas sa bawat isang minuto…
History quiz bee, isasabay sa pagdiriwang ng Labanan sa Pulang Lupa
Sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-117 na Labanan sa Pulang Lupa ay magsasagawa ang pamahalaang bayan ng Torrijos ng isang quiz bee tungkol sa nasyonal at lokal na kasaysayan ng Pilipinas. Ang patimpalak na ito ay bukas para sa mga mag-aaral na nasa elementarya na nasasakupan ng distrito ng Torrijos. Para naman sa mga estudyante na nasa sekondarya, bawat eskwelahan sa buong probinsya ay maaaring magpadala ng kanilang panlaban na binubuo ng dalawang mag-aaral. Pitumpong porsyento ang nakalaan para sa kasaysayan at kasarinlan ng Pilipinas at 30% naman para sa…
#WalangPasok: Hulyo 31, special non-working holiday sa Marinduque
Walang pasok sa trabaho at sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa Marinduque ngayong darating na Lunes, Hulyo 31 sapagkat ipagdiriwang ng probinsiya ang ika-117 na taong paggunita sa makasaysayang Labanan sa Paye na may paksang Labanan sa Paye: Kabayanihan, Gunitain at Ipagmalaki Natin. Ang Republic Act No. 9749 na nilagdaan ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Nobyembre 10, 2009 ay nagdedeklara na special non-working holiday sa buong Marinduque tuwing ika-31 ng Hulyo ng bawat taon. Base sa kautusan, kinikilala ng pamahalaan ang pagkapanalo ng mga kawal Pilipino sa Labanan…
Biyahe ni Drew: Biyaheng Marinduque
Anong magagandang tanawin at masasarap na pagkain kaya ang nagaabang kay biyaHERO Drew sa Marinduque? Bago ang nakatakdang pagpapalabas ng Biyahe ni Drew mamayang gabi, pinahulaan n’ya muna sa mga netizen kung saang lugar ang kaniyang susunod na destinasyon. Dahil ito lamang ang ibinigay na clue, _ A _ _ _ _ _ _ _ E, may mga humula na PARANAQUE at MASBAAAATE raw ito. Kaya naman, ang isa nating kababayan na si Japs Cee, dadali-daling sumagot, “Sa Marinduque baya ‘yan. Ei!” Samantala, ibinigay naman ni Raffy Garcia, ang pangalan…