Club Marinduqueno nagsagawa ng medical, dental mission sa Marinduque

TORRIJOS, Marinduque – Naging matagumpay ang isinagawang medical and dental missions sa Marinduque sa tulong ng Club Marinduqueno, Inc. (CMI), isang samahan ng mga Marinduqueno na nakabase sa Metro Manila na naitatag noong 1991 na may layuning matulungan ang kapwa kababayang nangangailangan ng atensyong medical at dental. Ang unang araw ng medical mission ay isinagawa nitong Biyernes, Hunyo 23 sa barangay hall ng Argao, bayan ng Mogpog samantalang ang ikalawang araw ng aktibidad ay isinagawa nitong Sabado, Hunyo 24 sa barangay hall ng Matuyatuya sa bayan naman ng Torrijos. Daan-daang…

Biyahe ni Drew, muling nagbalik sa Marinduque

Makalipas ang apat na taon, muling nagbalik ang actor at travel host na si Drew Arellano sa Marinduque para sa shooting ng programa nitong “Biyahe ni Drew”. Ayon sa ibinahaging mga larawan ni Joven Malabana Lilles, provincial tourism officer, ang grupo ni Arellano ay kasalukuyang nasa Maniwaya Island sa bayan ng Santa Cruz upang itampok ang aking ganda ng lugar. Matatandaan na una ng itinanghal sa nasabing programa ang gandang yaman ng Marinduque noong Marso 2013. Mapapanood ang Biyahe ni Drew tuwing Biyernes, 8:00 PM sa GMA News TV Channel.…

DOLE-Marinduque, magsasagawa ng job fair sa Hunyo 20

BOAC, Marinduque – Sa panayam ng Philippine Information Agency-Marinduque kay Marjun Moreno ng Department of Labor and Employment (DOLE)-Marinduque sa isinagawang Kapihan sa PIA ay naibahagi niya na magkakaroon ng job fair ang kanilang ahensya sa darating na Hunyo 20 sa gymnasium ng Marinduque State College sa ganap na ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon. Motorcycle at grocery sales agents ay ilan lamang sa mga pwedeng aplayan ng mga aplikante na nais pumunta sa job fair. Kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan pa rin ang DOLE sa iba pang employers sa loob…

Project Alagalaan nagsagawa ng workshop tungkol sa ‘sustainable tourism’

Naging matagumpay at makabuluhan ang isinagawang dalawang araw na workshop na inorganisa ng Project Alagalaan sa pangunguna ni Romina Lim na may layuning palakasin ang “sustainable tourism” sa bansa. Ang workshop na dinaluhan ng mga travel enthusiasts at bloggers ay isinagawa nitong Mayo 13-14 sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Embassy of the United States in Manila (US Embassy) at Save Philippine Seas (SPS). Sa unang araw ng workshop ay tinalakay ang kahalagahan ng ecotourism, biodiversity at marine ecosystem ng bansa. Ito ay isinagawa sa Hive Hotel,…

Aplikasyon para sa ‘Search for Contemporary Woman 2017’ ng DSWD-Marinduque, bukas na

BOAC, Marinduque – Maliban sa essay writing competition na isinagawa ng Department of Social Welfare and Development-Marinduque, kasalukuyan din naman silang tumatanggap ng mga kalahok para sa Search for Contemporary Woman 2017. Layunin ng kompetisyon na ito na maipamalas ng mga kababaihan na benepisyaryo rin ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang kanilang galing sa pakikiisa sa pagbago ng kanilang komunidad at pagpapamalas ng kanilang adbokasiya para sa mga kababaihan tulad ng pagiging boses laban sa pang-aabuso sa kanilang karapatan. Ang patimpalak na ito ay bukas para sa lahat ng…