Parang tulog nga lamang ba ang Bulkang Malindig?

Akda ni Eli J. Obligacion, Marinduque Rising Ano baga ang ibig sabihin ng mga geologist kapag sinabi nila na ang isang bulkan ay aktibo (active) o parang tulog (dormant)? Ano ang pagkakaiba dahil wala namang sino mang nakatitiyak kung ang isang bulkan ay tapos na ang pagngangalit sa kanyang buhay o kung puputok na naman at kailan. Ang aktibong bulkan ay itong sa kasalukuya’y nasa regular na estado ng pagputok. Sa Pilipinas, ilan lamang dito ay ang Bulusan, Kanlaon, Taal, at Mayon. Inaaasahan na may malaking pagputok ang magaganap sa…

Sino ngani baga si Juan, isang sanaysay

Ito si Juan. Kilala bilang isang masugid na tagasubaybay ng mga isyung pulitikal sa kaniyang Inang lalawigan ng Marinduque, hindi niya pinalalampas ang anumang bagay na patungkol sa mga naglalakihang angkan ng dugong buwaya este maharlika sa kaniyang bayan; ang mga Yeser, Zoracel, Marsiento at marami pang iba. Sa kaniyang murang edad, namulat siya sa mapang-aliping angkan na nakaluklok sa pedestal ng kapitolyo at ilang dekada nang nanunungkulan – ang mga lahing Yeser. Ayon sa kasaysayan, bago pa man marating ng mga Yeser ang tugatog ng tagumpay, mahigpit nilang kinalaban…

Realtalk: Marinduque Election Drama

Eleksyon na naman. Nagsulputan na naman sa sowsyal midya ang iba’t ibang mukha ng mga taong nag-a-ambisyon sa Eleksyon 2016. Hindi na ako lalayo pa, tututukan ko na lamang ang mga kaganapan sa aking mahal na lalawigan, ang hugis pusong isla. Sa kasalukuyan, may dalawang kumakandidato bilang kongresista sa aming probinsya. Natatandaan ko, sila rin ang nagtunggali noong nakaraang halalan na humantong at umabot pa nga sa paglilitis ng Korte Suprema. Subalit wala din namang kinahantungan ang kasong isinampa kahit na ito ay kinatigan ng SC at ng Comelec pa.…

Planong pag-utang ng 500M, muling tinutulan

Sa balakin ng Pamahalaang Lalawigan ng Marinduque na mangutang muli ng halaganag Php 500,000,000.00 sa Development Bank of the Philippines o Land Bank, muli ko pong inilalathala ang aking katugunan sa mga pahayag ni Gobernador Reyes. Kaugnay po dito, tahasan ko pong ipinahahayag ang aking personal na pagtutol dahil ito ay, sa aking personal na paniniwala, ay magdudulot ng pag-dislocate ng pananalapi ng ating lalawigan at mga pangunahing gawain ng ating pamahalaang panlalawigan. Mayroon pa po tayong binabayarang P73,000,000.00 sa Land Bank of the Philippines kaugnay sa heavy equipment na…