Planong pag-utang ng 500M, muling tinutulan

Sa balakin ng Pamahalaang Lalawigan ng Marinduque na mangutang muli ng halaganag Php 500,000,000.00 sa Development Bank of the Philippines o Land Bank, muli ko pong inilalathala ang aking katugunan sa mga pahayag ni Gobernador Reyes. Kaugnay po dito, tahasan ko pong ipinahahayag ang aking personal na pagtutol dahil ito ay, sa aking personal na paniniwala, ay magdudulot ng pag-dislocate ng pananalapi ng ating lalawigan at mga pangunahing gawain ng ating pamahalaang panlalawigan. Mayroon pa po tayong binabayarang P73,000,000.00 sa Land Bank of the Philippines kaugnay sa heavy equipment na…