Unang batch ng ‘Graduate Diploma in Cultural Education’, nagsimula na sa MSC

BOAC, Marinduque – Nagsimula ng pumasok ang unang ‘batch’ ng mga gurong ‘scholar’ na kumukuha ng Graduate Diploma in Cultural Education (GDCE) program sa Marinduque State College (MSC) noong Abril 30, 2018. Sa bisa ng memorandum na inilabas ng Department of Education (DepEd) noong ika-6 ng Pebrero, isa ang MSC sa walong pamantasang nagbibigay ng GDCE sa buong bansa. Ang Graduate Diploma in Cultural Education o GDCE ay isang ‘two-summer 24 unit program’ na maaring ituloy sa masteradong kurso sa piling paaralang itinalaga ng National Commission for Culture and the…

Kabataan, lakas upang buhayin at kulayan ang Panitikan ng Pilipinas -Nobleza

BOAC, Marinduque – Binigyang diin ng direktor ng Sentro ng Wika at Kultura na si Dr. Randy Nobleza na mahalaga ang lakas ng kabataan upang mas lalo pang buhayin at bigyang kulay ang panitikan sa Pilipinas. Kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan ng Filipinas, sinabi ni Nobleza, isang propesor sa Marinduque State College (MSC), na malaki ang kontribusyon ng imahinasyon at pagkamalikhain ng mga kabataan ngayon sa pamamagitan ng pagsulat at pagsalita. “Maaari rin silang makagawa ng sarili nilang panitikan na mahalaga sa ating mga kababayan upang makapagsilbi tayo…