Hiling na ‘authority’ ni Reyes, disaprub; Nepomuceno, inalisan ng komite

BOAC, Marinduque – Sa nangyaring sesyon nitong Miyerkules, Marso 22, tuluyan ng ibinasura ng Sangguniang Panlalawigan ng Marinduque ang kahilingan ni Gov. Carmencita Reyes na mabigyan ito ng ‘authority’ upang pumasok sa kasunduan sa pagitan ng pamahalang panlalawigan at Diamond McCarthy Law Firm bilang legal counsel, sa Parabellum Capital para sa funding agreement at sa Lax O’Sullivan Lisus Gottieb Law Firm bilang local retainer sa kasong isasampa sa bansang Canada laban sa Placer Dome at Barrick Gold kaugnay ng patuloy na paghahabol ng hustisya sa pinsalang tinamo ng lalawigan sa…

Nepomuceno vs Nepomuceno: Malaking kabulaanan po Bokal Allan

“Malaking kabulaanan po Bokal Allan Nepomuceno” ito ang naging pahayag ni ex-mayor at dating bokal Pedrito ‘Toto’ Nepomuceno matapos mapanood ang naging interview kina Assistant Provincial Prosecutor (APP) Jun Timtiman at Bokal Allan Nepomuceno sa isang programa sa radyo nitong Marso 18. Narito ang buong pahayag ni dating bokal Toto Nepomuceno na inilathala sa kanyang Facebook account na may petsang Marso 19. “Ginagamit ang Radyo Natin-Boac nina Bokal Allan Nepomuceno at Assistant Provincial Prosecutor Jun Timtiman spreading disinformation and outright lies sa isyu ng Marcopper. Sa loob ng 45 minuto…

Marinduque scouts for law firm to handle class suit vs Marcopper

The Sangguniang Panlalawigan of Marinduque did not act on the proposal of Governor Carmencita Reyes to secure a loan of $8 million (P400 million) abroad to finance the new environment class suit the province will file against two mining firms based in Canada. Instead, the council passed a resolution last March 10 that would invite foreign law firms, including Canada’s Trudel, Johnston and Lesperance (Trudel), to submit their proposals for the handling of the environment case. The province is filing a new case against Placer Dome, Inc. and Barrick Gold…

Abandonadong Marcopper mining sites, delikado na sa publiko -DOH

Matapos mag-inspeksyon ang Mines and Geosciences Bureau, itinuturing naman ngayon ng Department of Health na delikado na sa publiko ang abandonadong Marcopper Mining Corporation minesites sa lalawigan ng Marinduque. Ayon kay Mimaropa regional health director Eduardo Janairo, naging basehan nito ang iniulat ng mga local officials na leaks o tagas sa isa mga dam ng minahan. Batay sa 1996 report ng United State Geological Survey, tinukoy nito ang Makulapnit at Marcopper’s Maguilaguila Water Dam na parehong nasa state of imminent danger of collapsing. Janairo: Delikadong delikado lalo’t marami nang infrastructures…

‘Gov. Reyes, huwag ibaon sa utang ang Marinduque’ -Macec

BOAC, Marinduque – “Gov. Reyes, huwag ibaon sa utang ang Marinduque”, ito ang isa sa mariing pinagsigawan ng mga mamamayan ng lalawigan nang maglunsad ng kilos protesta sa usaping may kinalaman sa Marcopper na isinagawa noong Biyernes, Marso 10 sa harapan ng provincial capitol. Ayon sa report ng Manila Bulletin, kinontra ng mga residente ng lalawigan ang panukala umano ni Gov. Carmencita Reyes na mangutang ng $8 milyon o may katubas na P400 milyon na siyang gagamiting panustos sa bagong kasong ihahain ng lalawigan sa Canada. Ang lalawigan ay planong…