DAR, selects Buenavista as pilot community in LinkSFarM project

BUENAVISTA, Marinduque – The Department of Agrarian Reform (DAR), the local government of Marinduque, and the farmer-beneficiaries of Buenavista town demonstrate their strong partnership through the launching of LinkSFarM or “Linking Smallholder Farmers to Markets” project in the said municipality on November 25. The LinkSFarm project, which aims to educate farmers on agro-enterprise, is highlighted by the signing of a memorandum of agreement (MoA) between the DAR, the farmers, and the local government. Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) Isagani Placido said the project is planned to help the farmer-beneficiaries…

Team Bangiz-Boac, kampeon sa Marinduqueno Basketball Cup 2016

Natapos na ang 2nd Season ng 11th Kabataang Samahang Marinduqueno (KASAMARIN) Basketball Tournament: Marinduqueno Cup 2016, may temang “Katuwaan Laang Mandin” na isinagawa sa Manila Bulletin Gym, Intramuros, Maynila nitong Sabado, Nobyembre 26. Sa unang quarter pa lamang ay nagpaulan na agad ng back-to-back-to-back three points si Rayos ng Team Batang Laylay na ikinagulantang ng tropa ng Team Bangiz. Ang koponan ng Team Bangiz ay ang pinagsanib na puwersa ng barangay Bangbangalon at Amoingon. Tila baga ay natulala ang Team Bangiz sa ginawang ito ni Rayos. Nang sumapit na ang…

House Energy Committee Chair Velasco, pinag-aaralang buwagin na ang ERC

Matapos ang kontro­bersiyal ng pagkamatay ni Energy Regulatory Commission (ERC) Director Francisco Jose Villa Jr., ay pinag-aaralan na ng Kamara ang pagbuwag sa ERC. Sinabi ni House Energy Committee Chairman at Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco, na hindi maaaring balewalain ng kanilang lupon ang mga katiwaliang sumingaw sa ERC na umanoy nagtulak kay Villa para magpakamatay. Paliwanag pa ni ­Velas­co, maaaring lusawin ang ERC sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA). Sa pagbuwag umano sa ERC, maaaring bumuo ang Kongreso ng panibagong tanggapan na sasalo…

Sta. Cruz-PNP, nakiisa sa Coastal Clean Up sa Brgy. Kamandugan

Nakiisa ang mga miyembro ng Philippine National Police – Sta. Cruz sa isinagawang Coastal Clean Up sa barangay Kamandugan, bayan ng Sta. Cruz, Marinduque kaninang umaga, Nobyembre 23. Ang gawain ay bahagi ng pagpapanatili ng kalinisan ng mga baybaying dagat gayundin ang pagdedeklara bilang ‘drug free community’ ng nasabing barangay. Photo courtesy of Sta. Cruz-PNP

Pawikan, natagpuan sa baybayin ng Balanacan, Mogpog

MOGPOG, Marinduque – Isang lalaking pawikan ang natagpuan ng mangingisda sa baybayin ng barangay Balanacan, Mogpog, Marinduque bandang alas-12:00 ng umaga kanina, Nobyembre 21. Nang matagpuan ang pawikan, dinala ito sa tabing dagat upang hindi manganib ang buhay nito. Agad ipinaalam ng mga opisyales ng barangay sa tanggapan ng Marinduque Provincial Veterinary Office at Department of Environment and Natural Resources ang pangyayari. Sa pagsusuri, wala naman nakitang sugat sa katawan ng pawikan kaya pinakawalan din ito kaagad. Photo courtesy of Dr. JM Victoria