Marinduque massacre, bubusisiin sa ‘Imbestigador’

Sa pagganap nina Elizabeth Oropesa, Buboy Villar, Andrea Del Rosario at Lancer Serrano. Laki sa lola ang kambal na sina Rodalyn at Rogelyn. Pumanaw ang kanilang ina habang ipinapanganak niya noon ang kambal. Mula noon, ang lola nilang si Eulogia na ang tumayong magulang nina Rodalyn at Rogelyn. Tahimik na namuhay sa bayan ng Torrijos, Marinduque ang maglolola. Wala silang kaaway at maayos ang pakikitungo sa ibang tao. Kaya nakapagtatakang sinapit nila ang karumal-dumal na krimen. Bisperas ng bagong taon noong ika-31 ng Disyembre 2002, humantong ang tatlo sa malagim…

Bacorro, sumulat kay Reyes hinggil sa 300 milyong loan

Pormal na nagpadala ng liham ang Bise Gobernador ng Marinduque, Romulo Bacorro, Jr. sa Punong Lalawigan, Carmencita O. Reyes hinggil sa kanyang mga reserbasyon sa usaping may kinalaman sa Php 300 million na pondong utang sa DBP. Sa kadahilanang patong-patong na ang mga usaping ‘teknikal, administratibo at legal status’ ng naipasang Supplemental Budget No. 2 ng Sangguniang Panlalawigan tungkol dito, inihayag ni Bacorro ang kanyang panalangin na kilalanin naman ni Reyes ang mga findings at observations hinggil sa nabanggit na usapin. Ayon sa nasabing opisyal na liham na ang kopya…

Duterte to deliver a ‘powerful’ SONA

By CNN Philippines Staff Metro Manila — All eyes and ears in the country will be on President Rodrigo Duterte when he delivers his first State of the Nation Address at the Batasang Pambansa, Monday. Communications Secretary Martin Andanar on Sunday said the President wrote the speech himself and that it is a “powerful” one — that it made him cry after reading the speech. “It’ll be a powerful speech that will awaken the patriot in every Filipino,” Andanar said. “The speech made me cry.” Andanar previously said there will…

‘Drug personalities’ na sumuko sa Marinduque, umabot na sa 399

BOAC, Marinduque – Umabot na sa tatlong daan at siyamnapu’t siyam (399) ang naitalang bilang ng mga boluntaryong sumukong drug personalities sa buong lalawigan ng Marinduque. Ayon sa panayam ng Marinduque News Online sa tagapagsalita ng Marinduque Provincial Police Office (MPPO) na si Police Senior Inspector Carmelo S. Alino, mula July 1 hanggang July 21, 2016 as of 4:00 am, pumalo na sa 399 katao ang boluntaryong user at pusher na sumuko sa mga otoridad sa buong Marinduque matapos ang isinagawang Oplan Tokhang ng pulisya. Base sa datos na ibinigay…

Apo ng mangangalesa sa Mogpog, tinanghal na Best Supporting Actress

Itinanghal na Best Supporting Actress sa katatapos lamang na ToFarm Film Festival 2016 si Anna J. Luna, anak ng negosyante at aktor na si Rommel Luna tubong Mogpog, Marinduque. Nasungkit ni Anna Luna ang titulong Best Supporting Actress sa kanyang natatanging pagganap sa pelikulang “Paglipay”, isa sa anim na finalist para sa ToFarm Film Festival 2016. Ang kwento ng Paglipay ay umiikot sa love triangle ng dalawang katutubong Aeta at isang hindi naman katutubo. Ayon sa Uniquely Pinoy “In the story, Garry Cabalic, a real Aeta, plays Atan, just 19, a…