Marinduque Expo 2021, pormal ng binuksan

BOAC, Marinduque — Binuksan na sa publiko ang Marinduque Expo 2021 na may temang ‘Nagkakaisang Pagtugon ng Marinduqueno sa mga Hamon ng Pandemya para sa Masaganang Bukas’. Pinangunahan ni Most Rev. Marcelino Antonio Maralit, Jr., obispo ng Diyosesis ng Boac ang pagbabasbas sa Expo habang si Gov. Presbitero Velasco, Jr. naman ang nanguna sa ribbon cutting ceremony. Ayon kay Gov. Velasco, sa kabila ng banta nang COVID-19 na kinahaharap ng bansa ay itinuloy pa rin ang aktibidad para matulungan ang mga micro, small, medium enterprises (MSME) na lubhang naapektuhan ng…