Lalaki patay sa pamamaril sa Santa Cruz

SANTA CRUZ, Marinduque – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang driver ng hindi pa nakikilalang salarin habang kinukumpuni ang preno ng kanyang minamanehong truck sa bayan ng Santa Cruz malapit sa Public Market, Biyernes ng umaga. Kinilala ang biktima na si Ulysses Malabana, 39 taong gulang, may asawa at nakatira sa Sitio Sampalukan, Buyabod. Base sa inisyal na imbestigasyon, napag alaman na may lumapit umanong isang lalaki na naka suot ng helmet at kunwari ay nagtanong subalit ilang sandali lamang ay biglang pinaputukan ng apat na beses ang biktima. Pagkatapos…

Day of mourning, idineklara sa Marinduque kasunod ng pagpanaw ni Reyes

BOAC, Marinduque – Idineklara ng bagong gobernador ng Marinduque na si Romulo Bacorro, Jr. ang Enero 10 bilang ‘day of mourning’ kasunod ng pagpanaw ni Gov. Carmencita Reyes. Sa inilabas na executive order ni Bacorro, sinabi nito, “It is fitting to set aside a day of mourning to honor a great leader who has left an enduring legacy to our people”. Ini-utos din ni Bacorro na ilagay sa half mast ang mga bandila sa buong lalawigan. Matatandaang namatay si Reyes sa edad na 87 nitong Lunes, Enero 7 dahil sa…

Labi ni Gov. Reyes, dadalhin sa Marinduque sa Huwebes

BOAC, Marinduque – Nakatakdang dumating sa Balancan Port, Mogpog ang mga labi ni Gov. Carmencita Reyes sa Huwebes, Enero 10 ganap na alas 7:00 ng umaga. Agad itong dadalhin sa Boac Cathedral para sa banal na misa sa ganap na alas 9:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali. Pagsapit nang ala-una ng tanghali ay ililipat ang mga labi ng gobernadora sa Provincial Capitol Lobby para sa Necrological Service. Apat na oras mananatili roon si Reyes upang makapagbigay ng huling respeto ang mga kawani ng pamahalaang lokal at mga kababayang…