5 pantalan sa Marinduque, nakatakdang isaayos ng DOTr, DPWH

BOAC, Marinduque – Nakatakdang maisasaayos muli ang limang pantalan sa mga bayan ng Boac, Torrijos at Santa Cruz na papangunahan Department of Transportation (DOTr). Ayon kay Rep. Lord Allan Q. Velasco, kinatawan ng Marinduque sa mababang kongreso, may nakalaang P95 milyon ang DOTr sa pagsasaayos ng mga sumusunod na lugar: 1) Barangay Polo at Biga sa Santa Cruz; 2) Barangay Suha at Marlangga sa Torrijos, at; 3) Barangay Laylay sa bayan ng Boac. Bukod sa DOTr ay kasama rin nila sa pagsasagawa ng proyektong ito ang Department of Public Works…

#WalangPasok sa Hulyo 31 sa probinsya ng Marinduque

BOAC, Marinduque – Walang pasok sa trabaho at sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa Marinduque ngayong darating na Martes, Hulyo 31 sapagkat ipagdiriwang ng probinsiya ang ika-118 taong anibersaryo ng makasaysayang Labanan sa Paye na may paksang Diwa ng Paye: Malasakit sa Kasaysayan, Kapayapaan at Kalikasan. Ang Republic Act No. 9749 na nilagdaan ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Nobyembre 10, 2009 ay nagdedeklara na special non-working holiday sa buong Marinduque tuwing ika-31 ng Hulyo ng bawat taon. Base sa kautusan, kinikilala ng pamahalaan ang pagkapanalo ng mga kawal…

Kabahayan at mga gusali sa Boac, nasunog

BOAC, Marinduque – Tinupok ng apoy ang ilang kabahayan at gusali sa mga Barangay Malusak, Mercado at Murallon na itinuturing na sentro ng komersyo sa bayan ng Boac, Marinduque. Base sa ilang mga nakasaksi, nagsimula ang sunog bandang alas 5:30 ng umaga, Hulyo 2. Ayon kay Col. Vicky Padua-Brual, Provincial Fire Marshall, BFP-Marinduque, umabot ang sunog sa ika-apat na alarma. Wala pang naitatalang impormasyon patungkol sa bilang ng mga establisyemento na naapektuhan ng sunog. Patuloy ang operasyon ng bombero sa nasabing lugar. This is a developing story. Please refresh for updates. –Marinduquenews.com

Problema sa mga ‘door-to-door van’ sa Marinduque, aaksyunan

TORRIJOS, Marinduque – Kamakailan ay nakipagpulong si Marinduque Lone District Representative Lord Allan Jay Velasco kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III. Sentro ng pagpupulong ang problema sa mga sasakyang door-to-door na may rutang Marinduque-Manila at vice versa. Ayon kay Velasco, “Many issues were tackled during the meeting, including passenger safety and convenience, transportation modernization and allowable routes for public utility vehicles (PUVs)”. Napagkasunduan nina Velasco at Delgra ang pagsasagawa ng ‘Transportation Summit’ kasama ang iba’t ibang kinatawan ng transportasyon sa probinsya upang agarang masolusyunan…

Swedish ambassador bumisita sa Marinduque

BOAC, Marinduque – Dumating nitong Biyernes, Hunyo 22 sa probinsya ng Marinduque si Swedish Ambassador-designate to the Philippines Harald Fries kasama ang kanyang pamilya. Malugod at masayang tinanggap si Fries ng Agrea Farm Estate sa pangunguna ng kanilang founding farmer na si Cherrie Atilano kasama si Marinduque Lone District Representative Lord Allan Jay Velasco. Ang Agrea ay isang social enterprise na nakabase sa Marinduque na may layuning tulungang maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa. Inaasahang bibisitahin din ng ambassador ang magagandang lugar-pasyalan gayundin ang…