Solar Energy System, ikinabit ng DOST sa isla ng Mongpong

SANTA CRUZ, Marinduque – Nabiyayaan ng solar energy system ang iba’t-ibang lugar sa isla ng Mongpong, Santa Cruz na ibinigay ng Department of Science and Technology (DOST)-Marinduque. Ang mga pampublikong gusali na binigyan ng solar energy system ay ang Mongpong National High School, Mongpong Barangay Hall at Barangay Center. Ayon kay Miguelito Ricaplaza, malaki ang maitutulong ng solar energy system sa paaralan upang mas mapahaba pa nila ang pagkakataon na makagamit ng computers at projectors para sa pagtuturo nila sa mga mag-aaral. #MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us…

Kabataan, lakas upang buhayin at kulayan ang Panitikan ng Pilipinas -Nobleza

BOAC, Marinduque – Binigyang diin ng direktor ng Sentro ng Wika at Kultura na si Dr. Randy Nobleza na mahalaga ang lakas ng kabataan upang mas lalo pang buhayin at bigyang kulay ang panitikan sa Pilipinas. Kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan ng Filipinas, sinabi ni Nobleza, isang propesor sa Marinduque State College (MSC), na malaki ang kontribusyon ng imahinasyon at pagkamalikhain ng mga kabataan ngayon sa pamamagitan ng pagsulat at pagsalita. “Maaari rin silang makagawa ng sarili nilang panitikan na mahalaga sa ating mga kababayan upang makapagsilbi tayo…

Bata, sugatan matapos kagatin ng aso sa Mogpog

MOGPOG, Marinduque – Sugatan ang isang dalawang taon at pitong buwang gulang na batang lalaki matapos kagatin ng aso sa barangay Sayao, bayan ng Mogpog, Marinduque. Ayon sa lola ng biktima, iniwan niyang naglalaro ang kanyang apo malapit sa kanilang tahanan. #MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera Hindi namalayan ng lola na nakalayo at napunta sa kapitbahay ang bata at doon nakagat ng asong nakatali sa tarangkahan ng kanilang kapitbahay ang biktima. Agad namang isinugod sa Marinduque Provincial Hospital ang bata upang malapatan ng…

6,000 mag-aaral, empleyado ng MSC, nilinis ang dalampasigan ng Boac

BOAC, Marinduque – Sama-samang nagkaisa ang 6,000 mag-aaral, propesor at kawani ng Marinduque State College (MSC) upang sabay-sabay na linisin ang pitong dalampasigan sa bayan ng Boac. Bitbit ang mga sako at polybag, tulong-tulong silang nagkaisa na isilid ang mga basurang kanilang nakolekta mula sa mga baybayin ng barangay Laylay, Ihatub, Balaring, Caganhao, Amoingon, Bunganay at Cawit. Matapos ang pangangalap ng basura, sama-sama namang naglakad ang mga nakiisa patungo sa barangay Balaring kung saan ay tinawag ito na “Unity Eco-Walk”. Dito nagkatipon-tipon ang mga mag-aaral at empleyado ng pamantasan kung…

Pawikan na-rescue sa bayan ng Boac

BOAC, Marinduque – Isang babaeng ‘green sea turtle’ (Chelonia mydas) o mas kilala sa lokal na katawagang pawikan ang matagumpay na naibalik sa karagatan. Ayon kay Dr. Josue Victoria, Marinduque provincial veterinary, nagambala sa pangingitlog ang pawikan nang hindi sinasadyang makita ng ilang mangingisdang papalaot habang ito ay nangingitlog sa baybaying sakop ng barangay Cawit sa bayan ng Boac ganap na ika-1:35 ng madaling araw nitong Miyerkules, Abril 25. #MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera Ipinagbigay alam ng nakakita kay Eddie Mar Laylay,…