Barangay Nutrition Scholars, tumanggap ng honorarya

BOAC, Marinduque – Naipamahagi na sa mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) ang honorarya na nakalaan para sa kanila. Pinangunahan ni Dr. Violet Reyes, anak ni Marinduque Gob. Carmencita Reyes ang pamamahagi nito na nagmula sa pamunuang nasyonal at pamunuang panlalawigan. Matapos personal na maiabot ni Reyes ang honorarya ay pinasalamatan at kinilala niya ang mga BNS mula sa anim na munisipalidad. Ang mga BNS ang unang umaalam ng kalagayan ng nutrisyon ng mga tao sa kanilang barangay. Pinayuhan din ni Reyes ang mga ito na magtanim ng gulay sa kanilang…

Panukalang maging unibersidad ang Marinduque State College, pasado sa kongreso

BOAC, Marinduque – Ipinasa na ng House Committee on Higher and Technical Education ang Substitute Bill No. 1281 na binalangkas ni Marinduque Lone Representative Lord Allan Jay Q. Velasco na naglalayong gawing unibersidad ang Marinduque State College (MSC). Sa isinagawang house committee meeting na dinaluhan nina Commission on Higher Education Officer-in-Charge Prospero de Vera at Dr. Merian C. Mani, presidente ng MSC, ang nasabing panukalang batas ay pinangalawahan ng mga kasapi ng komite. Kung sakaling ito ay tuluyan nang maipasa sa senado at mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, tatawagin ang…

Information caravan ng DSWD, isinagawa sa Marinduque

BOAC, Marinduque – Nagsagawa ng information caravan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Mimaropa nang magtungo ito sa tatlong bayan ng Marinduque; Boac, Mogpog at Santa Cruz kamakailan. Ang caravan na ito ay isinagawa upang makapagbigay ng kaalaman tungkol sa mga programa at serbisyo ng kagawaran. Dahil sa aktibidad ng DSWD ay malayang nakapagtanong ang mga nagsipagdalo kung papaano sila mapabibilang sa mga programa at serbisyo tulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), Pantawid Pamilyang Pilipino Program, Kalahi-CIDSS, Sustainable Livelihood Program, Social Pension for Indigent…

5 pantalan sa Marinduque, nakatakdang isaayos ng DOTr, DPWH

BOAC, Marinduque – Nakatakdang maisasaayos muli ang limang pantalan sa mga bayan ng Boac, Torrijos at Santa Cruz na papangunahan Department of Transportation (DOTr). Ayon kay Rep. Lord Allan Q. Velasco, kinatawan ng Marinduque sa mababang kongreso, may nakalaang P95 milyon ang DOTr sa pagsasaayos ng mga sumusunod na lugar: 1) Barangay Polo at Biga sa Santa Cruz; 2) Barangay Suha at Marlangga sa Torrijos, at; 3) Barangay Laylay sa bayan ng Boac. Bukod sa DOTr ay kasama rin nila sa pagsasagawa ng proyektong ito ang Department of Public Works…

#WalangPasok sa Hulyo 31 sa probinsya ng Marinduque

BOAC, Marinduque – Walang pasok sa trabaho at sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa Marinduque ngayong darating na Martes, Hulyo 31 sapagkat ipagdiriwang ng probinsiya ang ika-118 taong anibersaryo ng makasaysayang Labanan sa Paye na may paksang Diwa ng Paye: Malasakit sa Kasaysayan, Kapayapaan at Kalikasan. Ang Republic Act No. 9749 na nilagdaan ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Nobyembre 10, 2009 ay nagdedeklara na special non-working holiday sa buong Marinduque tuwing ika-31 ng Hulyo ng bawat taon. Base sa kautusan, kinikilala ng pamahalaan ang pagkapanalo ng mga kawal…