Sangkaterbang basura, nagkalat sa likuran ng lumang ospital sa Boac

Mukhang wala yatang Waste Management System ang lokal na pamahalan ng bayan ng Boac o ang Dr. Damian J. Reyes Memorial Hospital sa probinsya ng Marinduque sapagkat makikita sa kuhang larawan na ibinahagi ng isang concerned citizen sa Marinduque News ang sandamakmak na basura na nakakalat sa likurang bahagi ng lumang ospital doon. Ayon sa concerned citizen, mga toxic hospital waste na kinabibilangan ng mga hiringgilya at plastic tubes ang basta na lamang itinapon sa lugar. #MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera…

TESDA Marinduque, namahagi ng toolkits at tulong pinansyal sa 100 mag-aaral

BOAC, Marinduque – Tumanggap ang 100 estudyante ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)-Marinduque ng toolkits at support fund mula sa programang Special Training for Employment Program (STEP). Ang mga tumanggap ng welding helmets at welding machines ay nagmula sa Marinduque Training Institute na binubuo ng 25 mag-aaral na kumukuha ng kursong Electrical Installation and Maintenance (EIM) NC II at 75 estudyante na kumukuha ng kursong Shield Metal Art Welding (SMAW) NC I sa Top Global Skills Manpower Development Center, Inc. Ang STEP na pinondohan ni Sen. Loren Legarda…

Marinduque, niyanig ng magnitude 5 quake -Phivolcs

BOAC, Marinduque – Niyanig ng 5.0 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Southern Tagalog Region nitong hapon lamang. Ayon sa ulat ng Phivolcs, naitala ito kaninang alas-5:39 ng hapon. Natukoy ang epicenter nito sa layong 32 km timog kanluran ng Boac, Marinduque. May lalim itong 18 kilometro at tectonic ang pinagmulan. #MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera Intensity V – Boac, Marinduque Intensity IV – Batangas City Intensity III – Lipa City and Malvar, Batangas Instrumental intensity: Intensity I  – Guinayangan, Quezon…

Bokal sa Marinduque suspendido sa panunutok ng baril

Pinatawan ng Office of the Ombudsman ng isang taong suspension na walang sweldo si Marinduque 1st District Board Member John Pelaez hinggil sa isinampang kasong administratibo sa kanya noong 2016. Si Pelaez ay napatunayang guilty sa kasong Abuse of Authority at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service, na isinampa nina Ronel Ganibo, Jeffrey Masculin at Berwin Rivera, pawang residente ng Barangay Balimbing, Boac dahil sa panunutok ng baril na ginawa sa kanila noong Disyembre 4, 2016 sa Marinduque Food Center, sa bayan ng Boac. Batay sa 11-pahinang desisyon ng Office of the Ombudsman, mas kinatigan ang salaysay ng mga biktima…

74 na naturukan ng Dengvaxia sa Mimaropa, binabantayan ng DOH

Kinilala ng Department of Health (DOH) Mimaropa sa pamamagitan ng binuong Dengvaxia Task Force ang 74 na mag-aaral sa rehiyon na nabakunahan ng Dengvaxia na gawa ng French pharmaceutical na Sanofi Pasteur. Ayon kay Regional Director Eduardo Janairo, ang mga nabakunahan ay pawang mula sa lalawigan ng Marinduque, Occidental at Oriental Mindoro kung saan dalawa rito ay nabigyan ng full medical assistance. Sinabi pa ni Janairo na ang mga nabakunahan ng Dengvaxia ay may edad 9 hanggang 41 anyos at karamihan sa mga ito ay nabakunahan sa mga pribadong klinika…