Gob. Reyes, nagdiwang ng kanyang ika-88 na kaarawan

Isang sorpresa ang inihandog ng mga kawani ng Marinduque Provincial Capitol kay Gob. Carmencita Reyes na nagdiwang ng kanyang ika-88 na taong kaarawan nitong Nobyembre 9. Hindi naitago ng gobernadora ang lubos na kasiyahan ng salubungin ito ng provincial choir na nagmistulang 18th birthday ng isang debutante ang selebrasyon. Isinayaw si Reyes ni Provincial Administrator Baron Jose Lagran at ng ilang miyembro ng sangguniang panlalawigan kasama rin ang department heads ng iba’t-ibang opisina ng kapitolyo. Inawitan dinng mga kapulisan ang gobernadora ng kanyang paboritong kanta na pinangunahan ni Police Superintendent…

Marinduqueno, tumakbo para sa mga biktima ng polio

BOAC, Marinduque – Bilang pakikiisa sa pagpapababa ng bilang ng biktima ng polio sa buong mundo, nakiisa ang mga Marinduqueno sa katatapos lamang na End Polio Run: A Nationwide Fun Run na pinangunahan ng Rotary Club of Marinduque North (RCMN). Nagsimula sa ganap na ika-6:00 ng umaga ang fun run na sinalihan ng mga propesyonal at kabataan kung saan naging katuwang ng RCMN ang Rotaract Club of Marinduque North- School Based na pinangungunahan ni Ernest Karl Espiritu ng Marinduque State College (MSC). Anim na kilometro at sampung kilometro ang tinakbuhan…

Sagot ni Reyes sa SONA, hindi katanggap-tanggap

Pasintabi po sa mga die-hard supporters o followers at lubos na nakakikilala sa gobernador ng Marinduque. It saddened me watching the episode of State of the Nation Address (SONA) of the infamous broadcast journalist Jessica Soho entitled Matumal na Turismo, Problema sa Marinduque. Kayo po Gov. Carmencita Reyes ang tinaguriang nanay ng lalawigan ng Marinduque and I think it’s uncalled for in saying “the people cannot afford the airfare”, it sounds like, na walang kakayahan ang iyong mga residente. Bagama’t binanggit n’yo na majority, still parang kayo na rin ang yumurak…

Produkto, kultura ng Marinduque, ibinida sa Mimaropa exhibit

MANDALUYONG CITY, Metro Manila – Muling ibinida ng probinsya ng Marinduque ang mga natatanging produkto, kultura at atraksyon nito sa SM Mega Mall, Mandaluyong City sa katatapos lamang na Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) Naturally Agri-Trade and Tourism Fair 2017. Tampok sa exhibit ang mga pagkaing Marinduqueno gaya ng arrowroot cookies, dilis, pastillas, kalamay-hati (coco jam) at mga souvenir shirts na may tatak Marinduque. Bukod pa rito ay ibinida rin ng provincial tourism office (PTO) ang mga atraksyon at magagandang tanawin na makikita sa lalawigan tulad ng Immaculate Conception…

Consumer Congress isinagawa ng DTI kasabay ng Bagwis Awarding

BOAC, Marinduque – Isinagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) Marinduque ang kanilang 2017 Consumer Congress sa Marinduque State College na may temang Consumer Rights in the Digital Age. Sa congress na ito ay ipinaliwanag ni Carlina B. Josue ng Consumer Protection and Advocacy Bureau ang consumer organization sa mga negosyante. Ayon kay Josue, ang consumer organization ay kinikilala upang matiyak na ang sektor ng mamimili ay mahusay na kinakatawan ng mga lehitimong organisasyon sa mga pagdinig at pagsisiyasat sa paggawa ng patakaran ng pamamahala. Dagdag pa niya, layunin…