Mababang bilang ng mga biktima ng paputok, napanatili ayon sa DOH Marinduque

BOAC, Marinduque — Sa pagsalubong sa bagong taon sa Marinduque, napanatili ng Department of Health (DOH) ang mababang kaso ng biktima ng paputok sa lalawigan. Ayon kay Delbert J. Madrigal, Development Management Officer ng DOH-Marinduque, nakapagtala lang muli ng tatlong biktima ng paputok ang kanilang ahensya kung saan ay dalawa ang lalaki at isa ang babae gaya rin ng bilang na kanilang naitala noong 2017. Nangunguna pa rin sa listahan ng mga paputok na madalas gamitin ng mga biktima ang lucis, piccolo at baby rocket. Sa nakitang obserbasyon ng DOH-Marinduque,…

21 estudyante ng Marinduque State College pumasa sa scholarship ng DOST

BOAC, Marinduque — Inilabas na ng Department of Science and Technology-Provincial Science and Technology Center (DOST-PSTC) Marinduque ang mga pumasa sa 2017 Junior Level Science Scholarship (JLSS). May bilang na 21 mag-aaral mula sa Marinduque State College (MSC) ang nabigyan ng pagkakataon na mapasama sa nasabing scholarship. Pitong estudyante ang nagmula sa Boac, anim sa Mogpog, dalawa sa Sta. Cruz, dalawa sa Torrijos, isa sa Buenavista at tatlo sa Gasan. Ang mga mag-aaral na nabibilang dito ay sina: Avegail Luz Banega, Ellaine Martillano Jalos, Rose Ann Jandusay Llave, Ronamel Sapalaran…

Index crime rate sa Marinduque, bumaba

BOAC, Marinduque — Ayon sa Comparative Crime Statistics na inilabas ng Philippine National Police ng Marinduque kamakailan, iniulat na bumaba ang bilang ng krimen na nangyari sa lalawigan makalipas ang isang taon. Ayon sa Marinduque Police Provincial Office (MPPO), may 15 na bilang na pagbaba sa index crime simula sa Enero – Nobyembre 2017 kumpara sa bilang na naitala noong 2016. Read also: Gasan police, continuously campaigning ‘Project Double Barrel’ Ayon sa talaan ng MPPO, ang bilang sa index crime na kanilang naitala ay binubuo ng mga sumusunod: murder-3, homicide- 2, physical…

Dahilan ng pagkaantala ng biyahe ng barko kaninang madaling araw

Sa tuwing ako ay naluwas at nauwi sa sinta kong lalawigan na Marinduque ang pangalan ay nakaugalian ko na ang maglive sa Facebook upang mag-update ng lagay ng panahon, biyahe ng mga barko at para batiin ang ating mga kababayan lalo na iyong mga OFW upang kahit paano ay maibsan ang kanilang pagkahomesick. Resibo: Kabayang Myong on His Way Going Home Kaninang gabi, Disyembre 22, sakay ng barko pauwi ng Marinduque ay naglive muli ako. Kalakip ng video ay ang pagpapaalala sa mga kababayan na magbaon ng mahabang pasenya at asahan…

1st school-based Bila-Bila Festival Competition, isinagawa sa bayan ng Boac

BOAC, Marinduque — Kasabay ng pagdiriwang ng 395th founding anniversary ng bayan ng Boac ay ipinamalas ang makulay na pagtatanghal ng 1st School-Based Bila-Bila Festival Competition. Sa mismong araw ng kapyestahan ng bayan ay ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa Educational System and Technological Institute (ESTI), Ilaya National High School (INHS) at Cawit Comprehensive National High School (CCNHS) ang kanilang galing sa pagsasayaw sa kalsada habang suot ang kanilang pakpak at malaparu-parong kasuotan. Matapos ang kanilang pagparada sa buong Poblacion ay nagtungo ang mga nagtanghal na mag-aaral sa Moriones Arena kung saan…