Byahe sa Marinduque, suspendido dahil sa malakas na hangin at alon

Sinuspindi ang mga byahe sa buong Marinduque ngayong maghapon, Disyembre 15 dahil sa malalakas na hangin at alon sa karagatan. “Ayon kay Commanding Officer Lieutenant Edison Abanilla ng Coast Guard Station Southern Quezon, kung hindi kaya ng barko, hindi kaya ng kapitan, huwag pilitin, baka madisgrasya lang,” paliwanag ni Petty Officer III Denmark Cueto ng Coast Guard Sub-Station Balanacan sa bayan ng Mogpog. “As per advise ng station, ipagpaliban o bukas na lang ang biyahe,” sabi ni Cueto,” hintayin na lang pong humupa (ang alon at ang hangin) dahil sa…

Greenhouse at vermicomposting facilities itinayo sa Buenavista

BUENAVISTA, Marinduque – Nagtayo ng isang greenhouse facility ang Municipal Agriculture Office (MAO) sa lupang pagmamay-ari ng lokal na pamahalaan ng Buenavista sa barangay Malbog na kung saan ang mga itinanim dito ay ang mga organikong gulay. Ilan sa mga halaman na pinapangalagaan ng MAO ay lettuce, bell pepper, talong, cassava, sitaw, okra at papaya na nagmula sa kanilang vermicomposting facility na nakatayo rin sa nasabing lugar. Bukod pa rito ay balak rin daw nila na magtanim ng broccoli at iba pang madahong gulay sa kanilang itinuturing na community garden.…

Talumpati ni Duterte sa kaarawan ni Velasco

Dumalo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kaarawan ni Marinduque Lone District Representative Lord Allan Velasco na isinagawa nitong Nobyembre 23, 2017 sa Malago Clubhouse, PSG Compound, Malacanang Palace, Manila. Kasabay nito ay nanumpa rin si Velasco bilang bagong miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) kung saan si Duterte ang tumatayong chairman nito. Narito ang kabuuan ng talumpati ni Pres. Duterte. “Alam mo, kaka-landing ko lang. Eh kung mag-uwi pa ako ng bahay, malapit lang nga pero I have to wash. And ‘pag nandoon na ako, medyo matagalan.…

Velasco, nanguna sa pagtatanim ng 40 kawayan sa Boac river bank

BOAC, Marinduque – Kasabay ng pagdiriwang ng ika-40 kaarawan ni Cong. Lord Allan Velasco, nagtanim ang kongresista kasama ang mga empleyado ng ahensya ng pamahalaan ng apatnapung kawayan sa barangay Tanza, Boac, Marinduque. Naging katuwang ni Velasco sa pagpapasinaya ng “Three Plantation Project” na ito ang Department of Environment and Natural Resources (DENR)- Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) at Marinduque State College (MSC). Hangad ng mga stakeholder ng proyektong ito na makapagtanim ng 40,000 bamboo sa Marinduque upang makatulong sa pagpapalago ng kabuhayan at paunlarin ang ecotourism sa…

Bagong tanggapan ng PENRO Marinduque, pinasinayanan

BOAC, Marinduque – Opisyal nang binuksan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO)-Marinduque ang bagong gusaling opisina ng pamahalaan sa Capitol Compound, Bangbangalon, Boac. Bukod kay Provincial Environment and Natural Resources Officer Imelda M. Diaz, nakiisa rin sa ribbon-cutting ceremony ang ilan sa matataas na opisyal ng lalawigan. Magkasamang dumalo sa pagdiriwang na ito sina Cong. Lord Allan Q. Velasco at Gov. Carmencita O. Reyes. Maging si Department of Environment and Natural Resources (DENR)-MIMAROPA Assistant Regional Director for Technical Services Vicente B. Tuddao, Jr. at iba pang mga department…