Sec. Cusi, pinangunahan ang ceremonial turnover ng bagong gensets sa Marinduque

Pinangunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang ‘ceremonial turnover’ ng bagong 5×1.0 Megawatts (MW) Modular Unit na pakikinabangan ng may 52,000 kabahayan sa probinsya ng Marinduque. Sinabi ni Cusi na ang pag-a-upgrade ng supply ng kuryente sa lalawigan ay isang welcome development sapagkat ang kasalukuyang 9MW power demand ng Marinduque ay magiging doble sa susunod na limang taon. “With such increasing power requirements, we need to re-think our current electric power infrastructure to introduce more innovative strategies in ensuring the provision of an adequate electricity supply while securing the lowest…

MSC, pinapanukalang maging state university

Nagsumite ng panukalang batas si Marinduque Cong. Lord Allan Q. Velasco sa kongreso na nagsusulong na maging state university ang Marinduque State College. Ayon sa House Bill No. 1231, kung sakaling pumasa ang panukalang ito sa kongreso, tatawagin na ang paaralan bilang Marinduque State University (MSU), gayundin ang mga satellite campus nito sa Santa Cruz, Torrijos at Gasan at mananatali pa ring main campus ang nasa bayan ng Boac. Nakasaad din sa panukalang-batas na ipagpapatuloy pa rin nila ang pagtuturo ng mga programa na nabibilang sa larangan ng science and…

Wanted ng Marinduque timbog sa Laguna

Natimbog ng mga pulis ang number 1 most wanted person ng bayan ng Mogpog, Marinduque sa San Pablo City, Laguna kamakalawa ng gabi. Natunton ng magkakasanib na puwersa ng San Pablo police station, Mogpog police station at PSC-RPSB (Regional Public Safety ­Battalion) ang pinagtataguan ng suspek na si Don Davis Paulo Ardaniel Marinay sa Purok 5, Barangay Soledad, San Pablo dakong alas-6:30 ng gabi. Si Marinay ay inaresto sa bisa ng search ­warrant na inisyu mula sa RTC Branch 94 ng Marinduque. Ito ay nahaharap sa kasong paglabag sa ­Section…

8 estudyante ng MSC, pumasa sa Social Worker Board Exam

Pumasa ang walong produktong mag-aaral ng Marinduque State College sa nakaraang Social Worker Board Examination. Ang mga nakapasa sa board exam ay sina Angela Lora P. Alvarez, Eunina Belle L. Dimagiba, Zaidelyn M. Fabon, Dannie Ann P. Fiedalan, Ruby Anne S. Malvar, Maria Clea S. Mascarinas, Rosielyn N. Nepomuceno and Krystal Gael P. Pelaez. Ayon sa Marinduque State College, sila ay kinikilalang unang pangkat ng paaralan na nakakuha ng lisensya mula sa Professional Regulation Commission (PRC) sa programang Bachelor of Science in Social Work. Nagpaabot naman ng pagbati ang pangulo…

Program on accelerating farm school establishment, tinalakay ng PTESDC

Nagsagawa ng Provincial Technical Education and Skills Development Committee (PTESDC) Meeting ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) tungkol sa Program on Accelerating Farm School Establishment (PAFSE) sa lalawigan ng Marinduque. Layunin ng PAFSE na matiyak ang sapat na kaalaman at kakayahan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng mga bagong kagamitan at entrepreneurial activities na hatid para sa kanila. Gayundin, hangad nilang bumuo ng mga resolusyon para sa TESDA na may kinalaman sa scholarship, Unified TVET (Technical and Vocational Education and Training) Program Registration and Accreditation System at Competency…