Lactation Station Ordinance ipinagtibay ng SP Marinduque

BOAC, Marinduque – Dahil sa Provincial Ordinance No. 124 o mas kilala sa tawag na Lactation Station Ordinance, ipinagtibay kamakailan ng Sangguniang Panlalawigan ng Marinduque (SP) na magtayo ng lactation station ang bawat opisina ng ahensya ng pamahalaan sa lalawigan. Layunin kasi ng ordinansa na ito na palaganapin at tangkilikin ang breast feeding program para sa kapakanang pangkalusugan ng bawat sanggol sa buong lalawigan na naaayon sa batas nasyonal na Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009. Ayon kay Angelica L. Arbarquez mula sa tanggapan ng SP, sa isinagawang pagdinig ng…

Aplikasyon para sa ‘Search for Contemporary Woman 2017’ ng DSWD-Marinduque, bukas na

BOAC, Marinduque – Maliban sa essay writing competition na isinagawa ng Department of Social Welfare and Development-Marinduque, kasalukuyan din naman silang tumatanggap ng mga kalahok para sa Search for Contemporary Woman 2017. Layunin ng kompetisyon na ito na maipamalas ng mga kababaihan na benepisyaryo rin ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang kanilang galing sa pakikiisa sa pagbago ng kanilang komunidad at pagpapamalas ng kanilang adbokasiya para sa mga kababaihan tulad ng pagiging boses laban sa pang-aabuso sa kanilang karapatan. Ang patimpalak na ito ay bukas para sa lahat ng…

Bong Carrion would have said ‘death is nothing at all’

Death Is Nothing At All By Henry Scott-Holland Death is nothing at all. It does not count. I have only slipped away into the next room. Nothing has happened. Everything remains exactly as it was. I am I, and you are you, And the old life that we lived so fondly together is untouched, unchanged. Whatever we were to each other that we are still. Call me by the old familiar name. Speak of me in the easy way which you always used. Put no difference into your tone. Wear…

Insentibo para sa 6 Marinduquenong sentenaryo, naipamigay na

BOAC, Marinduque – Nakatanggap ng P80,000 na insentibo ang anim na lola na maituturing na centenarians o mga Marinduquenong umabot na sa edad na 100. Ito ay matapos maisakatuparan ang ordinansang naglalayon na magbigay ng ayudang pinansyal at karagdagang tulong para sa mga naninirahan sa lalawigan na umabot na sa ganitong edad. Kung saan maliban sa P100,000.00 na insentibo na magmumula sa pamahalaang nasyonal ay makatatanggap rin ng karagdagang P80,000.00 ang mga centenarians na ibibigay naman ng pamahalaang panlalawigan. Ayon kay Bokal Theresa P. Caballes, ang ordinansang kanilang binuo ay may…

Dating Marinduque Governor Antonio ‘Bong’ Carrion, pumanaw na

Pumanaw na nitong Lunes, Marso 27 sa edad na animnapu’t siyam si dating Marinduque governor Antonio “Bong” Carrion matapos makipaglaban sa sakit na lung cancer. Nahalalal si Carrion bilang gobernador ng lalawigan noong 1995 at naglingkod hanggang 1998. Muling kumandidato sa pagkagobernador noong 1998, 2001 at 2004 subalit hindi pinalad na manalo. Pagkatapos ng siyam na taon, muling nahalal si Bong Carrion bilang gobernador noong 2007 ‘Legislative and Local Elections’ at nagsilbi hanggang 2010. Nakaburol ang mga labi ng dating gobernador sa Sanctuario de San Antonio, Capilla de la Virgen,…