Patay ang isang lolo nang malunod ito bandang alas dose ng tanghali sa barangay Capayang, Mogpog, Marinduque. Kinilala ang nasawi na si Alvaro Labos Jr, 67 anyos at residente ng barangay Lamesa, Mogpog. Sa panayam ng Marinduque News kay Whelyn Flores, pamangkin ng biktima, nanghuhuli umano ng isda ang kanyang tiyuhin malapit sa pampang subalit bigla na lamang itong inanod sa malalim na bahagi ng dagat. Isinugod pa si Labos sa pinakamalapit na health center pero idineklara itong dead on arrival. Video courtesy of Ramon Alfonso Villaster
Category: Marinduque News
DOH-Mimaropa continues Wasar Training for water personnel in Palawan
Department of Health (DOH) – MIMAROPA (Oriental/Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) in partnership with the Philippine Coast Guard – Palawan District has conducted the 8th batch of WASAR training with 43 successfully trained water attendants of Puerto Princesa City, Palawan who completed the five-day Water Search and Rescue (WASAR) Training held in various locations in the city from April 24-28, 2017. The participants included swimmers, surfers and divers. There were 39 males and 3 females and all residents of Puerto Princesa City. Most attendees were from Barangay Bancungan, where Nagtabon…
Abandonadong minahan sa Mogpog at Santa Cruz nais gawing ecotourism area ng DENR
BOAC, Marinduque – Matapos personal na makita ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Regina “Gina” Lopez ang naging epekto ng malawakang pagbaha ng tailings ng Marcopper sa ilog ng Mogpog at Boac, nais ng kanilang ahensya na gawin ang mga abandonadong minahan bilang ecotourism destination. Ayon kay Lopez, makatutulong ang biochar upang mapanumbalik ang katabaan ng lupa sa pamamagitan ng uling. Epektibo umano ang ganitong pamamaraan upang muling mapagtaniman ang napabayaang lugar at malaki ang maaaring maitulong nito sa organikong pagsasaka. Bukod pa rito, malaki rin ang…
Mga empleyado ng pamahalaan sa Marinduque nakiisa sa Moriones 2017
BOAC, Marinduque – Suot ang iba’t-ibang kulay na kasuotan at maskara kagaya ng mga sundalong Romano, muling nagparada sa bayan ng Boac ang mga moryon bilang kanilang panata tuwing panahon ng Mahal na Araw. Kasama ng mga moryon ang mga kawani ng pamahalaang nasyonal at lokal sa paglibot sa poblasyon simula sa Bagsakan Center at barangay San Miguel, habang nakasuot na parang mga sinaunang Romano. Ayon sa panimulang pagbati ni Gob. Carmencita O. Reyes, lubusan siyang nagpapasalamat sa mga direktor ng nasyonal na ahensya maging sa mga kasapi nito sa…
Makina ng Napocor, sumabit na palapa sa ‘transmission line’, itinuturong sanhi ng brownout sa Marinduque
BOAC, Marinduque – Sa panayam sa radyo kay Engr. Gaudencio M. Sol, Jr., general manager ng Marinduque Electric Cooperative (Marelco) noong Huwebes, Abril 6, nilinaw nito na sapat ang supply ng kuryente sa buong probinsiya. “Ang supply ng kuryente sa lalawigan ay tama lang para sa buong Marinduque, wala po tayong problema”, ayon kay Engr. Sol. “Ikinalulungkot ko po sa ating mga kababayan na nagkaroon ng paputol-putol na supply ng kuryente sa kadahilanang hindi maiiwasang mga pangyayari. Tulad noong April 3, nagsimula ng madaling araw, 0045, na ang unit rental…