Kapeng Robusta, itinanim ng mga riders at mountaineers sa Santa Cruz

SANTA CRUZ, Marinduque – Nagsagawa ng tree planting ang Elite Lion Riders Club Philippines-Marinduque Chapter at Morion Mountaineers Santa Cruz Marinduque Inc. sa Barangay Baguidbirin, Santa Cruz kamakailan. Bago isagawa ang pagtatanim ay ipinaliwanag ni Manny Prieto, Agricultural Technologist ng Santa Cruz Municipal Agriculture Office ang iba’t ibang uri at pamamaraan ng pagtatanim ng kape. “Ang itatanim po natin ay Kapeng Robusta, ito po ‘yong variaty ng kape na in-demand ngayon kung saan ginagagamit natin ‘yong bunga sa paggawa ng 3 in 1 coffee”, saad ni Prieto. Kung dati ay…

Velasco, ikinabahala ang kahihinatnan ng mga narerekober na droga sa buy-bust ops

Nababahala si Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco sa pagkakakumpiska ng multi-bilyong pisong halaga ng ilegal na droga sa bansa. Sa inilabas na pahayag, maliban dito, mas nakababahala aniya kung ano ang kahihinatnan ng mga nakumpiskang ebidensiya sa buy-bust operations. “I am more concerned with what will happen to these pieces of evidence confiscated during the drug busts,” pahayag ni Velasco. Hinikayat nito ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang law enforcement agency na maging maingat sa mga nakukuhang ebidensya laban sa mga responsable sa ilegal na transaksyon…