In a land known to many as poisoned by a toxic mine spillage, there’s a field of green that thrives, harvesting nature’s unadulterated bounty.
Category: Features
Sec. Tugade ng DOTr, nakatakdang dumating sa Marinduque sa Abril 11
GASAN, Marinduque – Nakatakdang dumating sa Marinduque ang kalihim ng Department of Transportation na si Arthur Tugade sa Huwebes, Abril 11. Ayon sa ‘media invitation’ na natanggap ng Marinduque News, pangungunahan ni Tugade ang inagurasyon ng Marinduque Airport Passenger Terminal Building (PTB) sa Masiga, Gasan bukas sa ganap na ika-8:00 ng umaga. Inaasahang makakasama ng kalihim sa kanyang pagbisita sa probinsya si Manuel Antonio Tamayo, ang undersecretary ng DOTr Aviation and Airports. – Marinduquenews.com
Bulag na pawikan, narescue sa Gasan
GASAN, Marinduque – Isang lalaking juvenile green sea turtle (Chelonia mydas) na putol ang kanang unahang palikpik at bulag ang isang mata ang natagpuan ng mga mangingisda sa karagatang sakop ng bayan ng Gasan nitong Miyerkules, Abril 10. Inilagak pansamantala ang nasabing buhay-ilang sa isang santuwaryong nakalaan para sa mga nasasagip na pawikan na nangangailangan ng agarang tulong medikal. Ayon kay Dr. Josue Victoria, provincial veterinarian ng Marinduque, sisikapin ng kanilang tanggapan na mapanumbalik ang lakas at kalusugan ng nasagip na pawikan bago ito pakawalan sa kanyang natural na pamahayan.…
Kapeng Robusta, itinanim ng mga riders at mountaineers sa Santa Cruz
SANTA CRUZ, Marinduque – Nagsagawa ng tree planting ang Elite Lion Riders Club Philippines-Marinduque Chapter at Morion Mountaineers Santa Cruz Marinduque Inc. sa Barangay Baguidbirin, Santa Cruz kamakailan. Bago isagawa ang pagtatanim ay ipinaliwanag ni Manny Prieto, Agricultural Technologist ng Santa Cruz Municipal Agriculture Office ang iba’t ibang uri at pamamaraan ng pagtatanim ng kape. “Ang itatanim po natin ay Kapeng Robusta, ito po ‘yong variaty ng kape na in-demand ngayon kung saan ginagagamit natin ‘yong bunga sa paggawa ng 3 in 1 coffee”, saad ni Prieto. Kung dati ay…
Skimboarding, nauusong ‘water sports activity’ sa Poctoy White Beach
Sa panayam ng Marinduque News kay Jasper Jo Loberes, presidente ng Marinduque Skimboarding Club (MSBC), layunin ng kanilang grupo na hikayatin ang mga kabataang Marinduqueno na maglaro ng skimboarding kasabay ang pagtuturo sa pangangalaga ng kalikasan lalo na ng dalampasigan sapagkat ito ang kanilang itinuturing na palaruan.