Walang pasok sa Mogpog sa Mayo 15

MOGPOG, Marinduque – Walang pasok sa Martes, Mayo 15 sa bayan ng Mogpog kasabay ng paggunita sa ika-211 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito. #MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera Ito ay alinsunod sa Proclamation No. 486 na ibinaba ng Malakanyang nitong Biyernes, Mayo 11, 2018 na pinirmahan ni Executive Secretary Salvador C. Medialdea. Base sa proklamasyon, nararapat lamang na mabigyan ng pagka­kataon ang Mogpogueno na makiisa sa paggunita at pagdiriwang ng Araw ng Mogpog. –Marinduquenews.com  

Bata, sugatan matapos kagatin ng aso sa Mogpog

MOGPOG, Marinduque – Sugatan ang isang dalawang taon at pitong buwang gulang na batang lalaki matapos kagatin ng aso sa barangay Sayao, bayan ng Mogpog, Marinduque. Ayon sa lola ng biktima, iniwan niyang naglalaro ang kanyang apo malapit sa kanilang tahanan. #MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera Hindi namalayan ng lola na nakalayo at napunta sa kapitbahay ang bata at doon nakagat ng asong nakatali sa tarangkahan ng kanilang kapitbahay ang biktima. Agad namang isinugod sa Marinduque Provincial Hospital ang bata upang malapatan ng…