Byahe sa Marinduque, suspendido dahil sa malakas na hangin at alon

Sinuspindi ang mga byahe sa buong Marinduque ngayong maghapon, Disyembre 15 dahil sa malalakas na hangin at alon sa karagatan. “Ayon kay Commanding Officer Lieutenant Edison Abanilla ng Coast Guard Station Southern Quezon, kung hindi kaya ng barko, hindi kaya ng kapitan, huwag pilitin, baka madisgrasya lang,” paliwanag ni Petty Officer III Denmark Cueto ng Coast Guard Sub-Station Balanacan sa bayan ng Mogpog. “As per advise ng station, ipagpaliban o bukas na lang ang biyahe,” sabi ni Cueto,” hintayin na lang pong humupa (ang alon at ang hangin) dahil sa…

Archbishop Ricardo Cardinal Vidal, pumanaw na

Pumanaw na si Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal ngayong Miyerkules ng umaga, Oktubre 18, sa edad na 86, isang linggo matapos na isugod ito sa ospital sanhi ng hindi pagbaba ng lagnat nito, hirap huminga at pagkatapos ay nacomatose ito. Ayon kay Dr. Rene Joseph Bullecer, isa sa mga doktor at pinakamalapit na kaibigan ni Vidal, nakatanggap ito ng tawag bandang alas-7:00 ng umaga na ang kardinal ay kailangang i-revive dahil ang presyon ng dugo nito ay bumaba. Ang kardinal ay nalagutan ng hininga makalipas ang ilang minuto. Sinabi rin ni…

Wanted ng Marinduque timbog sa Laguna

Natimbog ng mga pulis ang number 1 most wanted person ng bayan ng Mogpog, Marinduque sa San Pablo City, Laguna kamakalawa ng gabi. Natunton ng magkakasanib na puwersa ng San Pablo police station, Mogpog police station at PSC-RPSB (Regional Public Safety ­Battalion) ang pinagtataguan ng suspek na si Don Davis Paulo Ardaniel Marinay sa Purok 5, Barangay Soledad, San Pablo dakong alas-6:30 ng gabi. Si Marinay ay inaresto sa bisa ng search ­warrant na inisyu mula sa RTC Branch 94 ng Marinduque. Ito ay nahaharap sa kasong paglabag sa ­Section…