4 na lola sa Marinduque, tumanggap ng cash incentive

Binisita ni Gov. Carmencita Reyes ang mga centenarian o mga lolo at lola na umabot na sa isandaang taong gulang upang personal na ibigay sa mga ito ang karagdagang cash incentive mula sa pamahalaan. Ang mga lola na nabiyayaan ng cash grant ay sina Rufina Mandalihan mula sa Mataas na Bayan ng Mogpog, Florentina Pedival ng barangay Baliis at Felicidad Pedrialva ng Bagong Silang, Santa Cruz gayundin si Ines Coloma mula naman sa barangay Poblacion, Torrijos. Ayon sa panayam ng Marinduque News kay Alicia Tobilla, apo at tagapag-alaga ni Lola…

Miss Tourism-Marinduque 2017, pasok sa top 16 finalists ng nat’l competition

Kabilang si Princess Anne Noche ng Butansapa, Mogpog sa top 16 finalist ng patimpalak na Miss Tourism Philippines 2017. Ang mga kandidata na pumasok sa top 16 finalist ay mula sa 1) Melbourne, 2) Umingan, Pangasinan, 3) Noveleta, Cavite, 4) Ilocos Sur, 5) Pasig City, 6) Quirino Province, 7) Puerto Galera, Mindoro, 8) Manila, 9) Puerto Princesa, Palawan, 10) San Fernando, Pampanga, 11) San Pedro, Laguna, 12) San Fernando, La Union, 13) Nueva Viscaya, 14) Marinduque, 15) Palawan at 16) Quezon City. Ginanap ang kompetisyon ng pagandahan sa Chardonnay by…

Marinduque candidate, puspusan na ang paghahanda sa pagsabak sa Miss Tourism PH 2017

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Marinduque candidate sa Miss Tourism Philippines 2017 na si Princess Anne Noche ng Barangay Butansapa, Mogpog, Marinduque. Limang tulog na lamang bago ang inaabangang coronation night, sinabi ni Princess sa exclusive interview ng Marinduque News na todo praktis na ito sa kaniyang rampa at question and answer. “I’ve been working a lot. Nagwo-work out po ako tapos nagbabasa ng mga current events at materials about tourism particulary sa Marinduque”, pahayag ni Princess. Sa tanong, kung paano mapapalakas ng lalawigan ang sektor ng turismo, sinabi…

LOOK: Cong. Velasco at Gov. Reyes, nagkatagpo sa kaarawan ni kapitana

MOGPOG, Marinduque – May humigit limang minuto ring nagkausap si Congressman Lord Allan Jay Velasco at Governor Carmencita Reyes ng dumalo ang mga ito sa isang okasyon kaninang hapon. Naimbitahan kasi ang dalawa sa kaarawan ni Kapitana Lilian Sarili ng barangay Paye, Mogpog. Ayon sa nagbahagi ng mga larawan, hindi umano agad nakilala ng gobernadora ang kongresista at kinailangan pang may bumulong dito.   Sinalubong at nagmano naman si Velasco sa itinuturing na nanay ng probinsya. Mapapansin na bihirang makitang magkasama ang dalawang mataas na pinuno ng lalawigan sa mga pampublikong…

Lolo, nalunod sa dagat sa bayan ng Mogpog

Patay ang isang lolo nang malunod ito bandang alas dose ng tanghali sa barangay Capayang, Mogpog, Marinduque. Kinilala ang nasawi na si Alvaro Labos Jr, 67 anyos at residente ng barangay Lamesa, Mogpog. Sa panayam ng Marinduque News kay Whelyn Flores, pamangkin ng biktima, nanghuhuli umano ng isda ang kanyang tiyuhin malapit sa pampang subalit bigla na lamang itong inanod sa malalim na bahagi ng dagat. Isinugod pa si Labos sa pinakamalapit na health center pero idineklara itong dead on arrival. Video courtesy of Ramon Alfonso Villaster