Sa Boac, Marinduque isang lalaki ang natagpuang patay sa compound ng isang simbahan. Kinilala ang biktima na si John Winston Manrique, dalawampu’t tatlong gulang at tauhan ng simbahan. Isang kagawad ang nakakita sa labi habang maglilinis siya sa lugar. Base sa imbestigasyon, internal hemorrhage ang naging sanhi nang pagkamatay ng biktima matapos itong mahulog mula sa Veranda. Nagtamo siya ng sugat sa ulo at panga. Inaaalam pa ang tunay na dahilan ng pagkahulog ng biktima. Wala naman daw foul play sa insedente.
Category: News In Video
Quick news in video
Mga lalaki sa Marinduque, sumasayaw kay Santa Clara para humiling ng anak
Kung sa Obando, Bulacan kalimitang mag-asawang gustong magkaanak ang sumasayaw kay Santa Clara, sa Marinduque mga lalaki lang ang umiindak para humiling ng supling. Sila po mga kapuso ang sumasama sa prusisyon sa bayan ng Boac na walang hiya-hiya, sumasayaw talaga sila, habang nilalakad ang apat na kilometrong ruta ng prusisyon. Paniwala nila mabibiyayaan sila ng labintatlong anak kapag sumayaw sila sa Poon ni Santa Clara. Dati raw ay mga mag asawa ang sumasayaw sa prusisyon pero naiba na ito sa paglipas ng panahon.
Marinduque Rep. Reyes, pinaaalis ang tatlong mahistrado sa HRET
GMA News and Public Affairs – Rep. Regina Reyes, i-aapela ang pagbasura ng SC sa petisyon niyang alisin ang tatlong mahistrado nito.
Baha sa Boac, hanggang dibdib
Bahang hanggang dibdib ang naranasan sa Boac, Marinduque kasunod ng malakas na pag-ulan kagabi.
Marinduque maaaring maging isa sa mga pangunahing ‘tourist attractions’
PTV News Balitaan – Ulat ni April Enerio: Marinduque maaaring maging isa sa mga pangunahing ‘tourist attractions’ ng bansa