Sentenaryo ng Marinduque, kasado na ni Gov. Velasco

MANILA, Philippines — “Tuloy-tuloy na prog­reso.” Ito ang tiniyak ni dating Supreme Court Justice at Marinduque Gov. Presbitero “Presby” Velasco Jr. sa mga mamamayan ng Marinduque para sa gaganaping sentenaryo ng lalawigan. Sinabi ni Velasco sa mamamahayag na abala na sila sa paghahanda para sa nalalapit na anibersaryo ng Sentenaryo ng Marinduque kung saan magkakaroon ng iba’t ibang aktibidades ng isang linggo na pasisimulan sa Pebrero 16 hanggang Pebrero 22. Ilan sa mga ibibida sa selebrasyon ay ang float parades, Moryo­nans parade, street dancing competition, commemorative stamp launching at historical…